Ikawalo: Take Home

1.5K 46 7
                                    

"Hello po sa inyo," masigla kong bati sa isang kliyente bago umupo sa tabi niya. Nasa gilid siya ng audience area, sa isa sa mga sofa section.

"Ah, magandang gabi sa'yo, iho," mahina niyang tugon pero narinig ko naman kahit na medyo malakas ang speakers sa loob ng bar.

"Ako po si Vlad," pakilala ko sa sarili ko. Binuka ko nang bahagya ang aking mga hita para mas makita niya ang aking umbok sa bikini brief kahit na malamlam ang ilaw. Ang aking mga braso naman ay nilagay ko sa ibabaw ng backrest para ipakita ang aking makinis na kilikili.

"Ako naman si Danilo. Pero lolo na lang ang itawag mo sa akin dahil 62 years old na ako," nakangiti niyang sambit.

Kung titingnan siyang mabuti ay hindi mababakas na siya ay nasa ganung edad na. Marahil ay naalagaan niya nang husto ang kanyang sarili. May kapayatan siya, medyo kulubot na ang balat, manipis na puti pero buo pa rin ang kanyang mga buhok sa ulo, at maaliwalas ang kanyang itsura.

"Ah, sige po, Lo," sabi ko.

"Ilang taon ka na ba, iho?" tanong ni Lolo Danilo.

"18 lang po, Lo," nakangising tugon ko na parang nahihiya.

"Aba, eh, napakabata mo pa pala!" gulat niyang bulalas. "Wag mo sanang masamain pero hindi halata na ganyan pa lang ang edad mo. Gwapo ka at maganda ang katawan."

"Ah, salamat po, Lo. Inalagaan lang po ang katawan sa gym para malayo sa sakit," sabi ko.

"Tama naman yun, Apo," sabi niya. Napangiti ako dahil tinawag niya akong apo. May kaunting haplos sa isip at puso ko dahil kahit papaano ay magaan ang loob ng matanda sa akin.

"Kamusta naman po kayo? Nag-eenjoy po ba kayo?" medyo mapang-akit kong tanong habang nagpapacute sa kanya.

"Oo naman, Apo. Lalo na't napanuod kita ulit sa stage ngayong gabi," nakangiti niyang tugon.

"Matagal na po kayo rito?" tanong ko.

"Matagal-tagal na rin akong nagpupunta rito sa bar ni Teng. Pero nung nakaraang linggo sa Anniversary Show ay dun lang ako nakakita ng isang gwapong binatang katulad mo," sabi niya.

"Si Lolo Danilo talaga, mapagbiro," biro ko sa kanya.

"Totoo ang sinasabi ko, Apo," sabi niya sabay patong ng isang kamay sa hita ko. Medyo siniksik na rin niya ang kanyang sarili sa akin. "Hindi naman ako ganung mapagbirong tao."

"Salamat po kung ganun, Lo," tugon ko na may pagkagat labi sa marahan na pagpisil niya sa aking hita.

"Gusto mo ba ng maiinom? Makakain?" tanong niya.

"Isang bote ng beer na lang po, Lo. Hindi rin po kasi ako palainom," sabi ko.

"Talagang alaga mo ang katawan mo, ano, Apo?" humahanga niyang tanong. Lumingon siya sa waiter at umorder ng isang bote ng beer para sa akin.

Nagkataong si Kelvin ang assigned bikini boy bilang waiter. Nagkatinginan at nagkatanguan kaming dalawa. Hindi na nagdagdag ng order na pagkain si Lolo Danilo dahil meron pa naman sa lamesa.

"Galing po ba kayo sa trabaho kanina, Lo?" tanong ko.

"Ah, matagal na akong retirado, Apo. Dati akong manager ng isang bangko. Nag-early retirement ako at ineenjoy ko na lang ang buhay ko," paliwanag niya.

"Ang gara pala, Lo! Naisip ko rin noon kung ano nga ba ang mga ginagawa ng mga taga-bangko," sabi ko. Hindi ko naman talaga naisip yun, pero kelangan ay gumawa ako ng paraan para palabasin na interesado ako sa mga kliyente. Yun kasi ang gusto nila.

Hindi nga ako nabigo dahil nagkwento si Lolo habang magkatabing-magkatabi kami. Nakwento niya kung paano siya nagsimula sa bangko pagkatapos niya ng college, tapos ay napromote bilang manager, mga naging tauhan niya, kung gaano karaming cheke at mga dokumento ang pinipirmahan at inaapprove niya, at marami pang iba. Magiliw niya itong inilahad sa akin.

Ang Istorya ni VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon