Ikasampu: May Darating

1.1K 46 13
                                    

Mahigit isang linggo na akong nakatira sa mansyon ni Sir Manuel. Maayos naman ang samahan namin, medyo may kaunting pagkailang sa isa't-isa o baka ako lang ang nag-iisip nun.

Pinatuloy niya ako sa kwarto ni Jason, yung namayapa niyang anak. Aayaw na sana ako dahil boy helper lang naman talaga ako rito sa mansyon niya, pero nagpumilit siya na dun na raw ako magkwarto dahil wala namang gumagamit, at ang lahat ng mga damit ni Jason ay sa akin na. Nahihiya man ako ay wala na rin akong nagawa, tutal ay magkasukat naman kami ng anak niya at hindi na ako gagastos sa mga panibagong damit. Tipid na rin kumbaga.

Yung mga trophies at ibang display sa kwarto ay pinalipat niya sa akin sa storage room sa may kusina, at ang mga litrato ay pinatabi niya sa akin sa kwarto niya.

Nung unang araw ko rito ay binigyan niya ako ng tour ng mansyon. Payak ang style nito at sobrang linis tingnan. Gaya nung una kong punta ay may apat na kwarto sa ikalawang palapag, dulong kanan ay sa akin at ang dulong kaliwa ay sa kanya. May dalawang guest rooms para sa mga bisita.

Sa main floor naman ay may living room, dining room at kitchen. Open concept ang tawag kaya kita mo ang lahat kahit saan ka tumingin. May utility kitchen, pantry, laundry room at storage room naman sa gilid ng kitchen, na may katabing dalawang maliliit na kwarto na para sana sa mga helper. May theater room sa gilid ng living room at ang home office niya na katabi lang ng main door.

May outdoor covered gym sa likod ng mansyon. Kumpleto ito sa gamit na parang sa gym ni Kuya Neil pero pang-isang tao lang. Mukhang ito pa yung mga gamit ni Jason dati kasi hindi naman daw nagwoworkout si Sir Manuel. Pwede ko raw gamitin ang mga yun. Tamang-tama rin kasi dahil mahigit dalawang linggo akong walang gym simula nung namatay si Lola hanggang sa lumipat ako rito.

At sa paligid ng mansyon ay maraming mga tanim sa kanyang garden. Iba't-ibang mga halaman ang makikita kaya ang sarap tumambay sa paligid, maaliwalas pa at mukhang hindi maalinsangan kahit tag-init.

Unang araw ko pa lang ay sinimulan ko na agad ang trabaho ko. Mabilis kong inayos ang mga damit ko sa walk-in closet at nagpalit ng pambahay na t-shirt at shorts. Alam kong may nangyari na sa amin ni Sir Manuel at nakita na niya ang lahat sa akin. Pero ayokong isipin na pinatuloy at tinanggap niya ako rito nang dahil dun lang. Kaya kelangan kong irespeto ang aming mga katayuan sa buhay

Naging masinop at masipag ako sa pananatili ng kaayusan at kalinisan ng mansyon. Tungkulin ko yun bilang boy helper at hindi ko bibiguin si Sir Manuel. Alam kong 10k ang sweldo ko, malaki yun kumpara sa ibang helpers sa ibang amo pero mas maliit ito sa natatanggap kong pera galing sa bar at sa mga tip galing sa kliyente ko bilang bikini boy. Sakto lang din ang halaga ng buwanang sweldo dahil libre naman ang lahat.

Sa loob ng isang linggo ay nasaulo at nagamay ko kung saan nakalagay ang lahat ng mga gamit, lalo na sa utility kitchen at pantry, ang mga switch ng ilaw, kung paano gamitin ang mga TV at ibang gadgets sa living room, ang washing machine, vacuum cleaner, at pati na rin ang mga gamit sa gym.

Araw-araw ay ako nagluluto. Alas-siete ng umaga ang alis ni Sir Manuel para sa kanyang opisina at kelangan nakahanda na ang pagkain bago yun. Pagkaalis niya ay maglilinis muna ako ng kusina, living room, dining room, utility kitchen, at isusunod ko naman ang kwarto niya at ang home office niya. Pagkatapos nun ay maggigym na ako sa likod. Pagkapahinga ay maliligo na ako at tatambay na lang sa garden maghapon. Uuwi naman siya ng bandang alas-sais ng gabi at saktong nakahain na ang hapunan namin nun.

Kahit boy helper ako rito ay sabay kaming kumakain. Ganun din daw siya sa mga naging helper niya dito sa bahay dahil nasa iisa namang daw bubong, bakit hindi pa magkakasabay kumain. Nagustuhan ko yung ganung kaisipan niya dahil tinuturing niyang hindi ibang tao ang mga helper niya. Patas ang trato niya kahit na magkaiba kami ng antas sa buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Istorya ni VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon