Nitong Huwebes lang ay unang beses kong nakita si Mr. Reyes nang maging customer ko siya sa department store, tapos palihim pa siyang nag-iwan ng calling card para sa akin. Naging palaisipan na ito sa akin. Ano nga ba talaga ang tunay niyang pakay sa akin? Kung trabaho ang ibibigay niya ay pwede kong tanggapin dahil kelangan ko rin naman kumita nang extra para mas makaipon ako pangtuition sa college.
Kaya eto ako ngayon, Sabado ng gabi ay hindi ako nakatiis. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng message. Pagkatapos ay paulit-ulit ko pa itong binasa. Hinanap ko ang kanyang contact na nakasave na sa cellphone ko at sinend ko ang mensahe ko.
'Magandang gabi po, Mr. Reyes. Ako po si Vlad, yung salesclerk sa department store nung nakaraang araw.'
Yan lang ang mensahe ko sa kanya dahil hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin. Muli ko itong binasa saka pinatong ang cellphone ko pataob sa dibdib ko. Marahil ay hindi na niya ako maalala pero kinakabahan pa rin ako sa kung ano man ang mangyayari.
Napatulala ako sa kisame. Sa halos tatlong linggo kong pagtatrabaho sa department store ay wala namang ibang customer na nagkaroon ng ganitong interes sa akin na mag-iiwan pa mismo ng calling card. May mga napapansin naman ako na nagpapapansin sa akin, o kaya naman ay tinatawag akong 'Kuya Pogi' pero hanggang dun lang yun.
Kung bakla o silahis man siya ay bakit siya tumingin sa isang salesclerk na katulad ko. Mayaman siya base na rin sa nakasulat sa kanyang calling card, at sa pagkilos niya. Napakalayo naman ng antas ng buhay namin kung ang gusto nga niya ay ako.
Para naman yatang ang yabang ko sa ganung klaseng pag-iisip ko. Isa pa, wala pa akong karanasan sa higit na mas matanda sa akin. Sina Sir Reggie at Ron na minsanan ko lang nakaniig ay mga nasa 30's lang ang edad. Ang tatlo kong ex-girlfriend at si Kyle naman ay halos kaedaran ko lang din. Pero si Mr. Reyes ay mukhang nasa 50's na. Samantalang ako ay kaka-18 ko lang wala pang tatlong buwan ang lumilipas.
Baka naman kasi trabaho ang ibibigay niya sa akin? Kung sa opisina niya ako magtatrabaho ay hindi na rin siguro masama, basta mas malaki ang suswelduhin ko. Pwede rin namang houseboy kung libre na ang pabahay at pagkain.
Ewan ko. Maraming teorya at palaisipan ang namumuo sa aking utak. Ang magbibigay lang ng solusyon ay si Mr. Reyes na hinihintay ko pa rin ang reply hanggang sa mga sandaling ito.
Sa pag-iisip ko ay biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko itong tiningnan. Tumatawag siya sa akin. Umupo ako at biglang kinabahan sa hindi malamang dahilan. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? At bakit ko ba kasi siya tinext?
"Hello po," sagot ko sa tawag niya.
"Hello, Vlad. Kamusta ka? Vlad pala ang pangalan mo," magiliw niyang bati pero bakas sa boses niya ang bahagyang pagkapagod. Para tuloy akong nakikipag-usap sa isang pagod na ama.
"Mabuti naman po, Mr. Reyes. Kayo po?" sinuklian ko ang pagkagiliw niya.
"Mabuti din, Vlad. Napakagalang mo namang binata," papuri niya sa akin.
"Pasensya na po kayo at tinext ko kayo ngayong gabi. Hindi ko rin po kasi alam kung bakit niyo iniwan yung calling card sa ilalim nung mga damit," sambit ko.
"Ah, yun ba. Medyo nagulat kasi ako nung nakita kita sa department store. May naalala lang ako," sabi niya na may halong lungkot at pagkalumbay.
"Ganun po ba? Pasensya na po," sabi ko.
"Naku, don't think about think. Actually, I'm glad that you texted me," sabi niya.
"Ano po ba ang maipaglilingkod ko?" tanong ko.
"Hmm wala naman. I just wanted to get to know you more. Perhaps we can meet up some other time?" tanong niya. Ramdam sa boses niya na may kaunting lumbay at kaunting pagkasabik.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni Vlad
Ficción GeneralHi, ako si Vlad Torres. Vlad lang talaga, hindi Vladimir. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit Vlad. Pero ayos na rin. Siguro dahil sa foreigner siya ay kaya ganyan ang ipinangalan sa akin. Sumakabilang bahay ang tatay ko noong bata pa lang ako. Sabi n...