Nakuha ko na rin ang mga transcripts at iba ko pang documents sa school. Nagkataon na hindi ko kasabay ang mga kabarkada ko kaya mag-isa lang ako. Umuwi na muna ako kasi wala rin naman akong lalakarin ngayong araw at kelangan ko pang mag-ayos ng resume at iba pang mga kakailanganin kapag nag-apply na ako ng trabaho.
Kinahapunan ay tumambay na muna ako sa Computer Shop para ayusin nga yung mga documents ko. Naghanap na rin ako sa internet ng mga hiring sa iba't-ibang kumpanya. Yung ibang may mga links na para magsubmit ng application ay pinuntahan ko na rin para mas mapadali ang application process. Yung iba naman ay kelangan pang puntahan para personal na mag-apply. Nilista ko yun para puntahan sa susunod na linggo.
Nang makarami na rin ako ng apply ay nagpaprint ako ng mga paunang requirements na kelangan. Resume, birth certificate, diploma at transcript lang naman yung kelangan nang karamihan. May additional pa pero pwedeng isunod na lang kapag tinawagan para sa kasunod na step ng application.
Ilang set ng documents ang pinaprint ko para na rin makasigurado. Mga bandang alas-sais na ako nakauwi ng apartment.
Wala naman akong ginawa nung Sabado at Linggo kundi tumambay at maglinis. Hindi ko na inaasa pa kay Lola yung paglilinis dahil mahirap na rin sa kalagayan ng matanda sa mabigat na trabaho kaya ako na ang nagkukusa. Pati paglalaba ay natapos ko na rin. Mabuti na lang ay maaraw at mainit ang panahon kaya natuyo na rin agad. Si Lola naman ang nakatokang magtupi ng mga nilabhan.
Kahit pagod ako sa gawaing bahay ay nakuha ko ring maggym kahit pagabi na. Sabi nga sa inyo ay gusto ko talagang alagaan ang katawan ko para hindi madaling dapuan ng sakit, para na rin malakas ang resistensya at stamina sa mahihirap na gawain.
Mukhang totoo naman ang sinabi ko dahil nung nagsimula akong maggym ay hindi ako nagkasakit o kaya naman ay parang hinihingal o mabilis na napapagod. Kaya talaga.
"Uy, Vlad! Magsasara na ako. Patapos ka na ba?" tanong ni Kuya Neil, may-ari ng gym. Mga nasa 40's na ang edad niya at mahigpit sampung taon na rin na itong gym ang business niya. May asawa at dalawang anak na nasa high school pa lang.
"Ah, opo, Kuya," sagot ko saka sinoli ang weights na ginamit ko sa tama nitong pwesto.
"Bakit ka nga pala ginabi?" tanong niya.
"Naglinis kasi ako ng apartment, Kuya. Tinapos ko na muna kaya eto, ginabi na rin ako," sabi ko sabay hubad ng pawisang t-shirt ko.
Bahagya siyang napatingin sa nakahubad kong katawan. Isa siya sa mga coaches dito at bodybuilder siya kaya maigi niyang tinitingnan at tinutulungan ang mga customer niya. Kaya siguro ay marami ring parokyanong pumupunta rito.
"Ah, ganun ba? Nakuha mo pa rin talagang maggym kahit na pagod ka na," biro niya sa akin.
"Kelangan, Kuya. Mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon," sabi ko.
"Sabagay, totoo naman. Teka, di ba kakagraduate mo lang nung nakaraang linggo?" tanong niya.
"Opo, Kuya," tugon ko.
"Saan ka pala magcocollege?" dagdag niyang tanong.
"Ah, eh, hindi po muna ako magcocollege, Kuya. Wala po kasing pambayad ng tuition eh. Nagkausap na rin po kami ng lola ko. Kahit ayaw niya ay pumayag na rin siya sa desisyon ko," sabi ko.
"Sayang naman kung ganun," sabi niya na may tonong panghihinayang.
"Hehe okay lang, Kuya. Wala namang magagawa eh. Makakapag-aral din ako, mag-iipon muna," sabi ko.
"Oh, kelangan mo ba ng trabaho?" tanong niya.
"Naghahanap po talaga ako. Nakapagsubmit na ako sa iba't-ibang kumpanya pero baka sa susunod na linggo pa ako makareceive ng mga reply nila," paliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/370837241-288-k150151.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni Vlad
General FictionHi, ako si Vlad Torres. Vlad lang talaga, hindi Vladimir. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit Vlad. Pero ayos na rin. Siguro dahil sa foreigner siya ay kaya ganyan ang ipinangalan sa akin. Sumakabilang bahay ang tatay ko noong bata pa lang ako. Sabi n...