Ahon

52 10 0
                                    

Batid ko na karamihan sa atin ay naguguluhan.

'Di na maintindihan kung saan patungo ang daan.

Nalilito ang isip. Balisa at 'di na malaman ang gagawin kahit anong pilit.

Marahil bumaliko sa pagbaybay ng daan. Nakalimutan kung ano ang pangarap na sinimulan.

Pabago-bago ang desisyon.

Dala ng matinding takot at emosyon.

Iniisip na isantabi ang pangarap. Nagbaka-sakaling sa iba mahanap.

Marami nang naligaw, pero nakabalik sa daan. Nagpatuloy sa paggalaw na tahakin ang hagdan.

Pasasaan ba't makakaraos din naman.

Gan'on talaga ang buhay, Kapit ka lang sa pangarap mo.

May kalakip na lumbay, Ang tagumpay na matatamasa mo.

At sa pag-ahon mo, Maging gabay ka sa ibang tao. Ituro mo na walang ibang tutulong sayo kun'di ang sarili mo.

Sa Pagitan ng Mga PahinaWhere stories live. Discover now