Dahan

12 5 0
                                    

Sa mga tao o kabataang nagmamadali, huwag n'yong madaliin ang buhay—namnamin ang pahina ng yugto kung saan ka nakalagay kahit kung minsan ang hirap nitong bigyang kulay o 'di kaya nama'y parang paulit-ulit ang siklo kung kaya't tingin mo'y nakasasawa at parang wala nang saysay.

H'wag n'yong madaliin ang buhay—lubusin mo lang ang byahe saang ruta ka man nakasakay. Kahit nakakapagod ay sikapin lang humakbang at sumabay, hindi sa uso kun'di sa agos kung saan ka nito tinatangay basta para sa ikabubuti at pag-unlad ng 'yong paglalakbay.

H'wag n'yong madaliin ang buhay— sulitin mo at matuto kang maghintay sa mga pinapangarap mo at manatiling masigasig sa pag-abot nito. Araw-araw mo lang pagyabungin ang binhi nito sa puso mo, dahil ano mang sisidlan ng mithiin ang itanim mo maganda ang ibubunga kung ito'y para sa'yo.

H'wag n'yong madaliin ang buhay—
Kung pagod na'y sa itaas humingi ng gabay, upang yaring iyong pagkapagal ay maibsan at anumang nasa'yong daan ay iyong makayanan.

Huwag n'yong madaliin ang buhay—yakapin mo ang pagiging banayad nito't malumanay. Huwag mong hilingin na ito'y lumipas ng matulin, dahil ang nakaraan hindi na maaari pang habulin. Lagi mong pakatandaan ano mang kabanatang nalagpasan na sa tinatahak na daan ay imposible nang mabalikan.

Sa Pagitan ng Mga PahinaWhere stories live. Discover now