Untitled 10

3 0 0
                                    

Sa mga patuloy na binabagtas ang daan tungo sa pangarapipangako mo sana sa iyong sariling gaano man kalabo o lumabo ang sulo na tumatanglaw sa daan tungo sa tinutumbok mong destinasyon, ay hindi kailanman magiging nasa bokabularyo mo ang sumuko.

Sikapin mo sanang huwag hayaang lamunin ka ng pagod at panghihina ng loob.Lagi mo sanang diligin ng pag-asa ang punla ng 'yong pangarap na noon pa ma'y nakatanim na sa'yong puso.

Oo alam ko minsan nakakapagod humakbang tungo sa pangarap na nais mong puntahan, pero hayaan mo akong ipaalala normal lang na bilang tao mapagod ka at hindi rin pagiging makasarili kung sandali kang magpahinga.

Lagi mo lang baunin ang binhi ng pag-asa at h'wag hayaang lahat ng hiling at "sana"mo'y manatiling sana.

Tandaan mo maraming naniniwalang magtatagumpay ka.

Sa Pagitan ng Mga PahinaWhere stories live. Discover now