Untitled 6

11 5 0
                                    


Nilalaman ba ng utak mo ngayo'y hindi mo maintindihan at hindi mawari ang takbo ng sarili mong isipan? Maraming gustong ipaliwanag at sabihin ngunit 'di alam kung paano ba o saan idadaan.

Yaong ang daming laman ng ulo mo kahalintulad o higit pa sa isang platong puno pero hindi mo alam kung saan o paano mo pagkakasyahin sa katotohanan pa nga karamihan sa lamang 'yon halos hindi mo na kayang dalhin—pero wala ka namang magawa, dahil wala kang masabihan o hindi mo kayang ilabas. Sa kadahilanang ayaw mo silang mabigatan sa pinagdadaanan o saloobin mo kaya mas pinipili mo na lang na sarilihin ito nandoon na rin siguro yung takot na mahusgahan pa yung sitwasyon mo.

Kung isa ka sa mga taong nasa ganitong senaryo ngayon, ipinaaalam ko sa'yong ayos lang kung sa ngayon mismong sa sarili mo ika'y nagugulumihanan. Hindi ka nag-iisa at ang maranasan ang maguluhan paminsan-minsan ay 'di mo kasalanan.

Ayos lang yan kung maraming bagay pa ang sa ngayon ay 'di mo pa maintindihan, huwag mong madaliin na lahat ng saloobin o kaisipan mo'y matugunan. Ayos lang kung hindi mo pa maipaliwanag o gusto mo munang sarilihin sa ngayon—normal lang mamroblema at magpadala pansamantala sa alon, pero kahit ganoon 'wag mo ring hayaang kainin ka ng sitwasyong kinakaharap mo. Hinihintay ka ng mundo, sa laki nito tandaan mo na kahit isa mayroong tengang handang pakinggan ang bawat hinaing mo.


Sa Pagitan ng Mga PahinaWhere stories live. Discover now