* I should be over all the butterflies~~
But I'm into you~~~ I'm into y--*Pinatay ko kaagad ang cellphone ko na nag alarm at nakabusangot na tumingin sa palagid.
Sigh~
Anong oras ba ulit ako nakauwi kagabi?
Ah... mag e-eleven na ata kagabi. Nag overtime na naman kasi ako sa trabaho marami kami ngayong deadline. Kaya ayun ang resulta ilang hours lang ang naitulog ko.
"Good morning."-napalingon ako at nakita ko si Jona naka dungaw lang ang ulo nito sa pintuan ng kwarto ko.
Pagod na ngumiti ako dito at bumangon na ng tuluyan sa kama ko.
"Morning."-maikling bati ko ng tuluyan na akong nakabangon sa higaan. Pumasok si Jona sa kwarto ko samantalang dumeretsyo naman agad ako sa closet ko para hanapin ang susuotin ko ngayong araw na ito.
Saglit na napatigil ako sa ginagawa ko nung biglang marinig ko ang malalim na paghinga ni Jona na kanina pa pala ako pinanuod sa ginagawa ko.
"Bakit?"-natatawang tanong ko dito.
"Alam mo Cole... Bakit hindi mo itry mag long vacation?"-napatigil ako sa kinatatayuan ko at kunot noong tumingin kay Jona.
Ano daw?
"At bakit ko naman gagawin yun?"-di parin mawala ang kunot sa noo ko. Nagkibit balikat si Jona bago sumagot.
"Wala lang. Kasi look Cole mukhang stress na stress ka na sa trabaho mo. Saka naglalaan ka pa ba ng oras para sa sarili mo? Like, mag pahinga man lang o pumunta sa magagandang lugar?"-balik na tanong saakin ni Jona. Ako naman ang huminga ng malalim saka pailing-iling na binalik ang atensyon ko sa paghahanap ng damit.
"Alam mo naman na hindi ko kailangan yan saka sa dami kong ginawa sa trabaho ko. Ang dami pa ng deadline namin ngayon sa company kaya dapat hindi ko iniisip ang vacation-vacation na yan."-kontra ko kay Jona. Nakita ko sa peripheral vision ko na nag pamewang si Jona.
"Bakit ba todo kayod ka Maria Coleen De Guzman? Wala ka namang pinapakain na pamilya ha? Saka single ka girl... FYI. No boyfriend since birth."-napatigil ulit ako sa ginagawa ko at sinamaan ko ng tingin si Jona.
Kailangan nya ba talaga banggitin yung buong pangalan ko at ipagdiinan din saakin na Single parin ako hanggang ngayon?
"Oh, Eh bakit ang sama ng tingin mo saakin? Nag sasabi lang ako ng totoo."-irap pa na tanong ulit saakin ni Jona na nag cross arms pa.
Tama naman si Jona... Hanggang ngayon ay single parin ako.
At ngayon ay 40 years old na ko. No boyfriend. No experience pag dating sa romantic relationship.
Well, may mga nagbalak naman na manligaw saakin noon pero inuunahan ko na ang mga iyon. At nire-reject ko agad sila.
Kaya hindi rin ako magtataka na umabot ako sa ganitong edad na single parin at mag-isa.
Hindi ko rin alam sa sarili ko masyado kasi atang mataas standards ko pagdating sa lalaki. At lagi ko silang napagkukumpara sa taong yun...
"Tumigil ka nga Jona. Kay aga-aga sinisira mo agad araw ko."-ako naman ang umirap dito saka tuluyan na hinugot sa hanger ang damit na susuotin ko.
"Omayghad... Don't tell me..."-napalingon ulit ako dito ng tinuro nya pa ko at nanlalaking pa ang mga mata nitong ni Jona. Kaya napakunot ulit ang noo ko.
"Ano?"-takang takong ko. Ano na naman ba ang naisip ng babaitang ito?
"Don't tell me...Hindi ka parin nakaka move on sa first love mo?!"-gulat na tanong saakin ni Jona. Napakurap-kurap ako nga mga matang tumingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Back 2 Teen
FantasyMaria Coleen De Guzman o tawagin na natin sa nickname na Cole ay isang babae na No Boyfriend Since Birth. Bakit nga ba kahit na 40 years old na sya wala parin syang asawa o kahit boyfriend man lang? Ang dahilan kung bakit wala pang love life si Col...