Chapter 5.

2 1 0
                                    

"Cookies? Yung binigay saakin nung kapitbahay nila Lola Ising?"-kunot noong tanong saakin ni Jona. Mabilis naman na tumango ako sakanya.

"Oo, Ayun ang una kong kinain kasi di ako nakapag lunch nun tapos inaya na ako ng mga katrabaho ko para sa Company dinner namin."-sagot ko kay Jona na natigilan sa kinatatayuan nito. Nakahawak parin sya sakanyang baba at malalim parin ang iniisip.

Ayun lang ang naiisip ko na pwedeng dahilan kung bakit bumalik ako sa pagiging teenager.

Kasi nga di ba hindi naman ako kumain nung lunch tapos ang kinain ko lang nung mga five o' clock ng hapon ay yung weird na cookies na yun.

"Hindi kaya... May kumulam sayo?"-agad na napangiwi ang labi ko nung marinig ko ang hula na naman ni Jona.

"Sino naman kukulam saakin Jona? Saka hindi ka ba nakakaramdam ng kakaiba sa cookies na yun? Sabi ko na nga ba eh! May something talaga sa pagkain na yun."-sabi ko saka naglakad malapit sa may bintana at humarap ulit kay Jona.

"Bakit naman ako makakaramdam ng kakaiba eh pagkain lang din naman yun? Saka kinain ko rin naman yung cookies na yun bakit wala namang nangyari saakin? Hindi rin naman ako bumalik sa pagiging teenager?"-balik na tanong ni Jona. Napaisip naman ako... Oo nga, Sinabi saakin ni Jona na kinain din nya yung cookies habang nasa byahe sila ni Chester pauwi dito sa bahay.

Pero bakit nga ako lang ang bumalik sa pagiging teenager?

"Hindi ko na alam!"-wala sa sarili na ginulo ko ang buhok ko.

Ano na mangyayari saakin?!

Paano ba ako makakabalik sa dati?!

Nagawi ang tingin ko sa orasan. Mag na-nine na ng umaga. Late na Late na ako sa trabaho.

Hindi naman pwedeng pumasok ako ngayon sa company na ganito ang itsura.

"Kumain na muna tayo Cole. Mas maganda na may laman ang tyan natin para lalo tayong makapag isip ng idea kung ano ba yang nangyari sayo."-aya saakin ni Jona. Huminga muna ko ng malalim saka tumango na lang kay Jona.

Lumabas kami sa kwarto saka bumaba papuntang dining table.

Nakita ko si Chester na kumakain na eto ng almusal. Lumingon si Chester saamin ni Jona na nakatayo sa gilid ng mesa.

"Nasaan po si Tita Cole?"-kunot noong tanong ni Chester saka lumipat ang tingin nito saakin.

Nagkatinginan naman kami ni Jona. Agad na naglakad si Jona papalapit sa kinauupuan ni Chester saka pumantay dito.

"Uhm... Wala hahaha! Umalis muna si Tita Cole mo kasi nag bakasyon... Tama nag bakasyon sa napaka malayong lugar."-parang labas sa kaluluwa na tawa ni Jona. Pati tuloy ako ay alangan na natawa sa likuran nito.

"Eh sino sya?"-biglang turo saakin ni Chester kaya nawala ang tawa ko na napalitan ng alangan na ngiti.

"Sya...Si.. Sya si Ate Coleen mo."-napalaki ang mga mata ko ng ipakilala nya ako kay Chester. Lumingon saglit saakin si Jona saka bumalik ang tingin nya sakanyang anak.

"Pamangkin sya ng Tita Cole mo. Dito muna sya, okay?"-malawak na ngiting sabi ni Jona kay Chester.

Nilakihan ko ng mata si Jona at tinignan na Ano-Ba-Yang-Pinagsasabi-Mo-Sa-Bata-Look.

Samantalang balik na tinignan din ako ni Jona ng Makisakay-Ka-Na-Lang-Para-Sayo-Rin-Naman-Ito-Look.

Mariin na napahinga na lang ako ng malalim sa kawalan at napahawak sa sentido ko.

"Okay po."-magalang na sagot ni Chester at tumingin ulit sa akin. Maliit na ngumiti na lang ako dito.

Kahit na 5 years old lang itong si Chester matatas na mag salita saka matalino din.

Back 2 TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon