Araw nanaman ng lunes...
Monday talaga ang pinaka ayaw kong araw. Tapos mas marami kami ngayong ginagawa.
"Ma'am Cole."-naapangat ang ulo ko nung di ko napansin na binuksan na pala ni Lloyd yung pintuan ng opisina ko. Naka dungaw lang ang ulo nito kaya tiniggil ko muna ang ginagawa ko.
"Bakit?"-kunot noong tanong ko dito.
"Lunch na po. Hindi po ba kayo sasabay saamin kumain?"-balik na tanong ni Lloyd saakin. Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa kaliwang pader.
Tanghali na pala. Hindi ko namalayan sa sobrang busy ko ngayon. Pero naalala ko na marami pa pala akong papel na babasahin.
"Hindi na muna. Mamaya na lang ako kakain."-sagot ko kay Lloyd at maliit na ngumiti dito.
"Sige po."-tangong sabi ni Lloyd at marahan na sinara ang pintuan. Pagkaalis ni Lloyd ay huminga ako ng malalim saka tinignan ang tambak-tambak na papel na nasa mesa ko.
Bago kasi umakyat sa CEO ang mga dokumento na ito kailangan ay dumaan muna saakin para ma double check ko yung mga kailangan na pirmahan ng CEO.
Tinuloy ko ulit ang ginagawa ko at hindi ko na naman napansin ang oras.
Napatingin ako sa bintana ng opisina ko. Palubog na pala ang araw na hindi ko na naman namamalayan.
Inikot ko ang ulo ko saka tumayo sa swivel chair ko. Ramdam ko na ang pagtanda ko talaga. Medyo sumasakit na yung likod at balakang ko dahil din siguro sa tagal ko ding nakaupo.
*Grrr...Grrr...*
Agad na narandaman ko ang pagkulo ng tyan ko.
"Hindi pa pala ako kumakain."-sabi ko sa sarili ko at tinignan ulit kung anong oras na. Ala singko na pala ng hapon.
Napahimas ako sa sentido ko at biglang sumagi sa isip ko yung cookies na binigay saakin ni Jona. Kinuha ko ang bag ko saka hinanap yung cookies na yun.
Pinadala pa kasi saakin to ni Jona hindi ko na sana kakainin. Kasi nga ang weird nga nung kulay nung cookies. Pero sabi naman ni Jona nakakain daw si Chester nung cookies habang nasa byahe sila. At ayon kay Chester ay masarap naman daw yung cookies.
Maniniwala na ko.
Dahil hindi naman sinungaling ang mga bata, Diba?
*Grrr...Grrr...*
Naramdaman ko na naman ang pagkulo ng tyan ko. Wala na kong choice kung di kainin ang cookies na to. Nagugutom na talaga ako at mukhang nakakatakam yung cookies na hawak-hawak ko.
Binuksan ko na yung plastic ng cookies at walang pagdadalawang isip na kinain ko na yung cookies.
Nilasahan ko yung cookies. Hmm... Normal naman na pagkain ito. Ngumunguyang tinignan ko ulit yung pagkain na nasa kamay ko.
Mas masarap nga sya kaya sa normal na cookies. Tinuloy ko lang ang pagkain nito hanggang sa maubos ko na.
Nabusog naman agad ako saka uminom ng tubig. Tumingin ulit ako sa wall clock at nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil six pm na agad.
"Ma'am Cole!"-nagulat ulit ako nung biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at sila Anna saka yung mga ibang katrabaho ko ang nag bukas.
"Bakit nyo naman ako ginugulat?"-hawak sa dibdib na tanong ko sakanila. Kung may sakit lang talaga ako sa puso sa malamang ay inatake na ako sa gulat.
"Sorry po Ma'am hehe..."-sabay-sabay nilang pag sorry saakin. Napailing na lang ako saka inayos yung mga papel na nahulog ko.
"Oh, bakit nga kayo nandito pa? Kanina pa ang uwian nyo huh?"-tanong ko ulit sakanila pagkatapos kong maayos yung mga papel at nilagay sa mesa.
BINABASA MO ANG
Back 2 Teen
ФэнтезиMaria Coleen De Guzman o tawagin na natin sa nickname na Cole ay isang babae na No Boyfriend Since Birth. Bakit nga ba kahit na 40 years old na sya wala parin syang asawa o kahit boyfriend man lang? Ang dahilan kung bakit wala pang love life si Col...