"Ma'am Cole?"
Hindi ko pinansin ang tawag saakin nila Anna. Tuloy lang ako sa paglakad para lapitan ang nakilala ko.
Natigilan ako ng maglakad na sya kaya dali-dali kong sinundan si Gabriel. Pero ang bilis nito maglakad kaya hindi ko na nakahabol nung nakasakay na ito sa kotse.
"Gabriel..."-mahinang tawag ko sa pangalan nito na tuluyan ng umandar ang kotseng sinasakyan nito.
Nakatalikod parin kasi saakin yung lalaki kaya hindi ako sigurado kung si Gabriel ba talaga ang nakita ko.
Pero malakas talaga ang pakeramdam ko na sya talaga yung nakita ko. Hindi naman titibok ng ganito kabilis ang puso ko kung hindi si Gabriel yun diba?
"Uy! Nakikinig ka ba sa kwento ko?"-nagising ako sa malalim na pag iisip at umangat ang tingin ko kay Jona na naka pamewang sa harapan ko.
"Uhm... Ano ulit? hehehe..."-alangan na tumawa ako kay Jona sabay na napakamot sa buhok ko.
"Ano bang nangyari sayo? Nahahalata ko na kanina ka pa lutang dyan. Yung totoo girl... nag du-drugs ka ba?"-kunot noong tanong saakin ni Jona na nakapamewang parin.
Oo, kanina pa ako lutang dahil kakaisip sa nakita ko si Gabriel kanina. Ni hindi na nga ako nakabalik sa pagtatrabaho ko kanina. Buong araw lutang lang ang utak ko hanggang sa makauwi ako ngayon sa bahay.
At ngayon naiintriga na itong si Jona sa inaakto ko.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin ulit kay Jona.
"Nakita ko ata kanina si Gabriel."-pag amin ko kay Jona. Tinignan ko lang si Jona na natigilan sa kinatatayuan nito.
"Talaga?! Omg! Ano? Nag usap ba kayo?"-biglang umupo ulit si Jona sa harapan ko. Mukhang excited din sya sa uri ng ngiti nya saakin.
"Hindi... Saka Ata sinabi ko nakita ko ATA si Gabriel. Kasi hindi naman ako sure kung si Gabriel ba talaga ang nakita ko. Umalis kasi agad kaya hindi ko na nahabol pa."-hindi ko naman tinago ang pagkadismaya kay Jona.
"Ay ganun? Pero eto Cole huh...What if si Gabriel talaga yun? Tapos what if kung single parin sya?"-kumunot ang noo ko kay Jona na hindi parin maalis ang ngiti nito.
"Omg! This is your chance!"-nagulat pa ako ng tapikin ni Jona ng malakas yung braso ko.
Ano na naman bang pinagsasabi ng babaeng to?
"Anong chance ka dyan? Baliw. Impossible na single parin yung si Gabriel."-asar na sagot ko kay Jona saka hinawakan ko ang braso kong pinalo nito. Ang bigat talaga ng kamay nitong babaitang to.
"What if lang naman diba? Paano kung kayo talaga ang nakatadhana... Sigh~ Ang saya siguro ano?"-biglang pagda-day dream ni Jona na tumingin pa sa kawalan.
Napaisip naman ako sa sinabi nitong bestfriend ko.
Paano nga kung malaman kong single na katulad ko din si Gabriel?
Maamin ko kaya ang matagal ko ng nararamdaman para dito? Psh.
Nung High school nga kami hindi ko maamin-amin ngayon pa kaya na dumating na kami sa point na nasa 40's na kami.
"Hindi ko makita profile nya sa fb."-nabalik ako sa realidad ng marinig ko mag salita si Jona. Hawak na nito ang kanyang cellphone at busy sa pag iiscroll.
"Wala nga eh. Mukhang hindi sya mahilig sa social media."-sabi ko kay Jona. Agad na lumipat ang tingin saakin ni Jona saka nagtaas ito ng kilay.
Nagtaka naman ako sa biglaang pagtaas nito ng kilay.
BINABASA MO ANG
Back 2 Teen
FantasiMaria Coleen De Guzman o tawagin na natin sa nickname na Cole ay isang babae na No Boyfriend Since Birth. Bakit nga ba kahit na 40 years old na sya wala parin syang asawa o kahit boyfriend man lang? Ang dahilan kung bakit wala pang love life si Col...
