Chapter 4.

1 1 0
                                    

| 22 Years Ago. |

"Kyaaah! Nandyan na si Gabriel!"

Pati ako ay napalingon nung nagsitakbuhan ang mga babaeng nasa likuran ko papuntang entrance ng school.

"Hindi ka din ba pupunta dun?"-agad na bumalik ang tingin ko kay Jona na may mapangasar na mga ngiti sakanyang labi. Inirapan ko lang sya saka nag walis ulit.

Ganito ang ginagawa namin kapag umaga inuutusan kami ng aming guro na mag linis sa may tapat ng building namin. Pagkatapos nun ay mag sisimula na ang klase para sa unang subject namin.

"Sayang naman kung hindi mo masisilayan sa umaga ang gwapong mukha ni Gabriel."-asar parin saakin ni Jona kaya tinigil ko ang pagwawalis ko saka humarap dito.

"Manahimik ka na nga Jona. Sinabi ko naman sayo na ayoko na. Na hindi ko na sya gugustuhin, okay?"-taas kilay na sabi ko kay Jona.

Nakapag desisyon na ako kagabi... na hindi ko na crush si Gabriel. Dahil Una, impossible na mapansin nya ako kahit na magkaklase pa kami, Pangalawa, madaming babaeng nakapaligid sakanya ni hindi nga ako magkaroon ng chance maka singit sa sobrang daming babae, at Pangatlo, natatakot akong umamin sakanya kaya ang magandang solusyon ay mag move on na ako sa pagkakagusto ko sakanya.

"Sige sabi mo eh..."-kibit balikat na lang na sagot saakin ni Jona. Napailing-iling na lang akong bumalik sa pag wawalis.

Nang...

"Coleen umalis ka dyan!"

Agad na umangat ang ulo ko ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

Lumaki ang mga mata ko nung makita ko na may pabagsak na paso kung saan ako mismo nakatayo.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para makaalis dahil hindi parin ma process sa utak ko kung anong babagsak sa harapan ko.

Pero mabilis lahat ang sunod na nangyari. Nagulat na lang ako nasa lapag na ako at nanlalaki lang ang mga mata ko.

"Ayos ka lang Cole?!"-biglang umupo si Jona sa harapan ko at inalalayan nya ako.

Nakita ko ang paso na dapat na babagsak saakin ay basag na sa lapag.

"Ayos ka lang, Coleen?"

Unti-unting umangat ang ulo ko at tinignan ang taong nasa harapan ko.

"Ki..Kilala mo ko?"-imbis na sumagot ako sa tanong nito ay nag tanong din ako pabalik. Nakita ko ang pag silay ng ngiti sa mga labi nito.

"Oo naman, mag kaklase tayo diba?"-hindi parin naalis ang ngiti ni Gabriel sa kanyang mga labi.

Oo, si Gabriel ang nasa harapan ko at hindi ko alam kung bakit...

"Tara, Tumayo ka na Cole para madala ka sa clinic."-hinila ako ni Jona patayo habang di parin naalis ang tingin ko kay Gabriel.

"Coleen!"-nalipat ang tingin naming tatlo ng dumating ang iba naming kaklase.

"Sorry, Hindi ko sinasadya natabig ko kasi yung paso."-sabi ni Vina saakin. Isa din sya sa mga kaklase namin. Kumurap-kurap lang ang mga mata ko. Hindi parin ako makapaniwala sa kung anong nangyayari ngayon.

"Sa susunod kasi mag ingat kayo. Buti na lang naitulak ko kaagad si Coleen. Kung di talagang mababagsakan sya ng paso."-natahimik naman kaming lahat ng biglang sumeryoso ang mukha ni Gabriel.

Ni...niligtas ako ni Gabriel?!

"Sorry..."-yukong pagsorry ulit ni Vina.

"Dadalhin lang namin si Coleen sa clinic."-sabi pa ni Gabriel at laking gulat ko ng hinawakan nya ang braso ko paalis.

Back 2 TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon