KINAGABIHAN.
Palipat-lipat lang ako ng pwesto sa higaan ko. At di matanggal sa isip ko yung sinabi saakin ni Jona sa flower shop kanina.
Kapag hindi parin ako bumabalik sa dati in just 2 weeks... Mag-aaral ulit ako.
Seryoso talaga si Jona dun!
Nakailang explain na ako sakanya na ayoko at bakit naman kailangan pa? Tapos naman na ako sa pag-aaral saka mas gugustuhin ko pa na bumalik sa pagtatrabaho kahit na di parin ako bumabalik sa dati kaysa mag-aral ulit.
Naiimagine ko pa lang yung mga exams, assignments, activities, programs tapos yung mga nakakabwiset na mga kabataan ngayon na pwede kong maging kaklase ay nako! naiistress na agad ako.
Kaya hindi-hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Jona. At sisiguraduhin ko na kahit na hindi pa dumadating ang 2 weeks na sinasabi nito ay babalik ako dati!
Mark my word.
Kaya matutulog na ako at hindi ko na iisipin ang kalokohan ni Jona...
-------
Kinaumagahan.
Humihikab pa ako na bumaba sa hagdan nung makita ko ang mag-ina na kumakain na ng almusal sa dining table.
"Good morning."-bati ko sakanila at umupo sa tabi ni Chester.
"Gising ka na pala. Eto."-napakurap-kurap ako ng mga mata nung may tinulak na parang brown envelope si Jona sa harapan ko.
"Ano to?"-takang tanong ko at kinuha yung envelope.
"Tignan mo na lang."-walang tingin na sagot saakin ni Jona sabay subo ng kinakain nito.
Niliitan ko muna ng mata si Jona bago ko buksan yung envelope na binigay nito saakin.
Pagkabukas ko ay nakita ko na maraming papel sa loob. Kaya sa curious ako kung ano ba to ay kinuha ko na ng tuluyan yung mga papel sa loob nung envelope.
Literal na napalaki ang mga mata ko ng mabasa ko kung ano ang mga nakasulat sa papel.
"Ano to Jona? Fake Birth certificate ba to at... At Enrollment form mula sa isang Academy?!"-gulat na tanong ko kay Jona at tumingin ako sakanya.
"Yup. Buti na lang may kakilala ako na marunong gumawa ng fake documents. Kaya ayan mabilis lang na naipagawa ko ang Birth certificate mo saka mga ilang documents. Na enroll na rin kita dyan sa kalapit na school sa village natin."-sagot saakin ni Jona saka umangat ang ulo nito para tignan at ngitian ako.
Teka lang...
Teka lang... Parang nag iinit ata yung ulo ko sa kaganapan na to kay aga-aga.
Saka bakit nya agad ako ine-enroll sa isang Academy ni hindi pa nga nag iisang linggo na teenager parin ako?!
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko nga mag-aral!"-galit na hinagis ko pabalik yung envelope kay Jona. Napatigil naman ako sa kinauupuan ko nung masamang tinignan ako ni Jona.
"Sa tingin mo makakabalik ka pa sa lagay mong yan? 3 days na Cole! 3 days ka ng ganyang parin ang itsura mo. At sa tingin mo agad-agad kang babalik sa dati? Paano kung hindi huh?"-hamon na tanong saakin ni Jona na masama parin ang tingin ang binibigay saakin.
"Tinutulungan lang kita Coleen."-dagdag na sabi pa ni Jona. Di naman makapaniwalang tinignan ko ang bestfriend ko.
"Salamat Jona kung gusto mo ako tulungan pero... Hindi ganitong tulong ang kailangan ko. Ang kailangan kong tulong ay samahan mo ko hanapin ang pwedeng magpabalik saakin sa dati. Ayun lang ang kailangan kong tulong at hindi ang ganito na papasok pa ako ulit sa paaralan."-huling sabi ko kay Jona saka tumayo na ako sa kinauupuan ko.

BINABASA MO ANG
Back 2 Teen
FantasíaMaria Coleen De Guzman o tawagin na natin sa nickname na Cole ay isang babae na No Boyfriend Since Birth. Bakit nga ba kahit na 40 years old na sya wala parin syang asawa o kahit boyfriend man lang? Ang dahilan kung bakit wala pang love life si Col...