Chapter 6.

1 1 0
                                        


Umakyat agad ako sa kwarto ko para mag palit ng damit kasi nga pupunta kami sa lugar ni Lola Ising.

Hindi naman pwede na maluwag na shorts ang damit ang suot-suot ko paalis. Kaya kailangan kong magpalit ng damit at ang problema ko ngayon ano ang susuotin ko?

"Ano kaya susuotin ko?"-inikot ko ang paningin ko sa closet at puro mga pang office na damit lang ang nakikita ko.

At kaunti lang ang pang alis ko na damit. Minsan lang kasi ako umalis tapos madalas lang naman akong nasa company kaya puro pang office attire lang yung mga damit ko.

Huminga ako ng malalim ng wala akong makitang pwedeng suotin. Saka masyadong malalaki na saakin ang mga damit ko ngayon dahil bumalik lang naman ako sa pagiging 18 years old.

Bigla akong natigilan sa kanatatayuan ko ng may biglang sumagi sa utak ko. Naalala ko na may tinago pala akong dating mga damit nung unang lipat namin sa bahay na to.

Agad na lumuhod ako sa ilalim ng kama at nakita ko yung bagahe kung nasaan nakalagay yung mga luma kong damit.

Kinuha ko yung bagahe at binuksan iyon.

"Aching!"-bahing ko nung masinghot ko yung alikabok mula sa bagahe pagka bukas ko nito. Nung nakita ko na yung mga luma kong damit parang bang bumalik ulit ako sa nakaraan.

Nakita ko pa yung uniform ko noong High school, Yung mga pang-alis ko noon kapag may mga event kaming pinupuntahan sa school, Pati yung girl scout na uniform ko noong Elementary ako ay nandito pa.

Automatic na napangiti ako sa mga luma kong damit. Hindi ko aakalain na masusuot ko ulit ito ngayon.

Nung nakapili na ako ng damit na susuotin ay humarap ako sa salamin.

Napalaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Ganitong-ganito ang itsura ko 22 years ago. Hindi ko maiwasang maiyak...

Hinawakan ko ang salamin at tinignan ko lang ang mukha ko. Pero agad din akong nagising sa katotoohanan.

Kailangan kong bumalik sa dati at sa dati kong buhay... Kailangan na matapos agad to.

Inayos ko muna ulit ang sarili ko bago lumabas sa kwarto ko.

Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko agad si Jona na nasa salas at naghahanda ng mga dadalhin namin.

"Oh, may nahanap ka bang pwede mong suotin?"-walang tingin na tanong saakin ni Jona nung nakalapit na ako sakanya.

"Oo... nahanap ko yung luma kong mga damit."-sagot ko kay Jona. Umangat ang ulo nito at tinignan ako.

"Wait..." -kunot noong napatingin ako pabalik kay Jona na halata naman na nagpipigil ng tawa.

Ha? Bakit sya natatawa?

May nakakatawa ba?

"Bakit?"-hindi parin mawala ang kunot ko sa noo. Tuluyan namang natawa si Jona na hindi ko naman alam kung bakit sya tumatawa.

Nalilito parin ako kung ano ba ang pinagtatawanan ni Jona. Saglit...

Ako ba pinagtatawanan nya?

"Seryoso Cole? Para akong bumalik sa 80's girl hahahaha! Bakit ganyang suot mo?"-tuloy parin na tawa ni Jona. Tinignan ko naman ang sarili ko.

Ano bang mali sa suot kong polka dots na color blue blouse at skinny jeans na yellow? Saka eto lang kakasyang damit sa katawan ko ngayon.

"Tapos ka nang tumawa? Pwede na ba tayong umalis?"-asar na tanong ko kay Jona. Hinihingal naman itong natapos sa pagtawa at bumalik na sa seryosong mukha.

Back 2 TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon