Chapter 7.

2 1 0
                                        

*Bzzzt... Bzzzt...*

Nakatingin lang ako sa cellphone ko na tunog lang ng tunog. Kanina pa nag me-message saakin sila Lloyd at Anna pati yung mga iba kong katrabaho. May tumatawag pa nga. Hindi ko lang sinasagot.

At hinahanap nila ako at tinatanong kung ano bang nangyari saakin. Samantalang nagpaalam na ako sa HR na mag le-leave muna ako ng isang linggo. Buti na nga lang pinayagan ako ng HR sa biglaang pag file ko ng leave.

"Ready ka na Coleen?"-napalingon ako ng dumating si Jona sa may pintuan ng kwarto na hinanda kagabi ni Lola Ising saakin.

Dito na kami natulog dahil sobrang dilim na kagabi kaya hindi na kami natuloy ni Jona umuwi sa Manila.

Malungkot na huminga ako ng malalim sa harapan ni Jona. Lumapit si Jona sa pwesto ko at hinawakan ang kanang balikat ko.

"Magiging maayos din ang lahat Coleen. Isipin mo na lang na may plano si Lord kaya nangyayari ito ngayon sayo."-pagaalo saakin ni Jona. Umangat ang tingin ko dito at maliit na ngumiti.

Siguro nga tama si Jona... Baka nga may dahilan kung bakit ako bumalik sa pagiging teenager kahit na ang hiling ko ay bumalik sa panahon kung saan pwede ko ulit makita si Gabriel at umamin sa totoo kong nararamdaman para sakanya.

Pero may pangamba parin ako.

"Paano kung di na ako makabalik sa dati? Paano yung trabaho ko?"-puno ng pangambang tanong ko kay Jona.

"Hindi ko din alam Coleen... Pero baka hintayin na lang natin kung may expiration date yung epekto nung cookies sayo."-sagot saakin ni Jona. Napatingin na lang ako sa kawalan saka tumango.

"Tara na? Baka naghihintay na satin si Chester sa bahay."-aya saakin ni Jona. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko.

Sabay kaming lumabas ni Jona sa kwarto at nakita namin si Lola Ising na nagwawalis sa sahig.

"Oh, gising na pala kayo. Bago kayo umalis kumain muna kayo ng almusal."- alok ni Lola Ising nung makita nya kami ni Jona.

"Ay, Lola wag na po. Dederetsyo na po kaming uuwi baka po kasi nagiiyak na si Chester dun sa bahay."-tanggi ni Jona sa alok saamin ni Lola Ising. Tumango-tango naman si Lola Ising.

"Salamat po sa pagpapatuloy nyo po saamin."-ngiting pagpapasalamat ko kay Lola Ising.

"Nako, wala yun saka welcome na welcome kayo dito kahit anong oras pa kayo dumating. Wag ka din mag-alala Jona sasabihan ko kaagad kayo kapag bumalik na dito sa Mang Pedro."-sagot ni Lola Ising. Nagkatinginan kami ni Jona at sabay na ngumiti pabalik kay Lola Ising.

"Sige po. Maraming salamat po at mauna na po kami Lola."-paalam ni Jona at kumaway naman ako para mag paalam.

"Paalam Ate Jona at Coleen."-paalam naman ni Ester na bigla na lang sumulpot sa salas. Nagpaalam ulit kami palabas ng bakuran nila Lola Ising.

Hanggang sa makasakay na ulit kami ng kotse.

"Let's go back to Manila."-rinig kong sabi ni Jona at napangiti na lang ako pagkasuot ko ng seat belt saka binuksan na ni Jona ang makina ng sasakyan at pinaandar na ito paalis sa bahay nila Lola Ising.

Nung palabas na kami sa street nila Lola Ising ay nagawi ang tingin ko sa labas ng bintana.

Kumunot ang noo ko nung may matandang lalaki ang nakatingin sa dereksyon namin at nakangiti lang ito para bang slow motion lang yung nangyari hanggang sa malagpasan na namin yung matandang lalaki.

Ang creepy naman nun.

"May problema ba Cole?"-agad na lumingon ako kay Jona na saglit na tumingin saakin at bumalik din ang tingin nito sa kalsada.

Back 2 TeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon