My Highschool Crush

16 1 0
                                    

CHAPTER 1

Hellow pala sainyo, Ako pala Si Francis pero pwede niyo akong tawagin sa palayaw ko Denden. I'm 20 years old na gusto ko lang ishare yung karanasan ko nung highschool at para rin sa mga incoming First year Highschool dyan.

Syempre, simulan natin yung istorya sa malapit na matapos ang school year ko sa Elementarya. Kung di niyo naiitanong I'm not totally straight talaga I'm open with my family naman and aware sila sa pagkatao ko. Maliit lang talaga ako na tao at Inlove sa kapwa ko lalaki at last section. Syempre, kapag sinabing last section... Alam ko na agad nasa isip niyo at di kayo nagkakamali sa iniisip niyo WHHAHA. Yes, Tama ka ng iniisip kilala kami sa pinaka worst section sa buong Grade level ng grade 6 which is ang mga taga amethyst baby... Balik tayo sa nagninilay ako laging nasa isip ko si Mark, siya lang naman yung crush na crush ko nung grade 6 ako at palagi  akong nag pagansin sa kanya. Nandun yung tuwing may ganap na activities and event sa school namin sumasali siya at sumasali rin ako para magpapasin. One time naalala ko pa nung sumali siya sa “Poster Making” alam mo yung feeling na pinilit mo lang sarili mo na kahit di kanaman talaga magaling magdrawing pero no choice kasi volunteer ka sa section niyo.

Nung nagstart na yung event ng “Poster Making” Tungkol sa Kapiligiran at kalinisan yung Tema na idradrawing. Kinakabahan talaga ako kasi una sumali ako nang poster na di marunong magdrawing nagpabida lang sa classroom para lang mapansin ni crush WHAHHA. Naalala ko ang goal ko that time is makagawa lang at makapagdrawing at ienjoy yung laban na kasama si Crush even na kalaban ko siya. Alam mo yung tipong makikita mo sakanya na academic excellence talaga siya kasi grabe bukod sa matalino na siya. Sobrang galing nya rin mag drawing at magisip kung ano ilalagay sa “Poster Making” niya. Samantalang, Ako wala di alam at nagiisip parin ng idradrawing. Natatawa pa ako sa sarili ko dahil yung naisip ko is common na at talagang gamit na gamit nasa “Poster Making” which is yung Mundo with may Kamay na nakahawak sa mundo and sa itaas ng mundo is may mga Taong Hawak-kamay at kapit-bisig WHAHHAHA. Relate na relate ka ba dyan? Walang kamatayan na ganun. Fast-forward.... After nun, Tanggap ko na talaga na di ako mananalo pero atleast my inspiration naman ako para gawin yung isang bagay which is yung crush ko yung nagiging way para magexcell din ako when it comes to academic and nag bebenifit din ako for that dahil may class factor din yun sakin. Kaya sa mga incoming Highschool dyan mag join lang kayo at ienjoy niyo yung event. Di parin talaga ako lugi dahil nakuha ko naman yung goal ko which is makapagpapansin kay crush dahil after nung “Poster Making” Binati nya ako ng Congrats at dun palang panalo na ako at kinilig ako sobra....

Graduation Practice, Ito na yung araw kung saan iniisip ko na kung anong school ako mag enroll at nalulungkot narin ako dahil mag end narin at mamimiss ko rin talaga yung mga kaklase ko. Ewan ko lang, kung miss nila ako WHAHA. Syempre, Ang nag palungkot rin sakin talaga is yung baka di ko na makita si crush kaya iniisip ko rin kung need ko na bang umamin o hindi. 2days na lang din before graduation namin kaya pumasok sa isip ko na lakasan ko na lang kayang iadd si Mark at umamin na lang. Kaso nga lang nagdodoubt ako that time kasi baka mamaya di naman nya ako iaccept o baka di niya ako kausapin. Hangga't Umabot nasa Graduation Day, grabe bumungad agad sakin Mark, super pogi nya btw, parehas kaming graduate ng may honorable mention hindi nawala sa isip ko si Mark at palagi ko siyang tinitigan at napapansin ko tinitignan nya rin ako lumilingon siya sa kabilang upuan. Hanggang sa natapos na nagiisip parin ako kung iadd ko na siya after ng graduation na finalize ko na yung decision ko which is iadd na siya. And then, agad agad akong nag open ng FB at pumunta sa search bumungad agad pangalan nya at Inadd ko na siya....

Nang biglang inaccept nya ako agad pero di ko parin naamin hanggang siya inaccept lang niya ako at wala pang conversation saming dalawa. Hanggang react lang ako sa mga post nya... Alam mo yung quotes na hanggang tingin ka lang sa malayo pero okay lang sayo makita at masubaybayan mo lang siya at malaman mong masaya siya okay na sayo kumpleto na araw mo. Maaga ako nagising dahil late na ako masyado magenroll kasi kakauwi lang din namin galing Aurora, Baler which sa province namin. Kasama ko pa kapatid ko na panganay sinamahan niya ako Maaga rin talga ako nagayos dahil 8-12nn ang oras ng mga late sa enrollment. Nakaalis na kami ng Ate ko ng 8:15am pinapamadali ko na ate ko kasi kinakabahan ako baka ano oras na makarating nakakahiya naman late na magenroll tapos late pa sa pagdating WHAHHA.  Asa school na kami ng ate ko, ng makita ko sa si Marrrkkkkk. Nandun din nabuhayan ako kasi possible na baka same kami ng school na papasukan kaso nga lang nasa isip ko malabo kasi nabalitaan ko balak nya mag private kasi may kayakaya naman sila.

And baka may sinamahan lang siya baka Kapatid nya o kaya pinsan niya. Then, nabaling yung atensyon ko dahil ako na next at kukunin na yung mga requirements ko. After nun umuwi narin kami kasi may emergency rin that time sa Bahay parang ang nangyari is nag donate na lang kami at di na kami nagbrigada. Ang pasukan namin nun is June ang pagkakatanda ko. [FIRST DAY OF SCHOOL] Ito yung araw na excited na ako halos di na ako nakatulog dahil iniisip ko yung mga bago kong magiging classmate and iniisip ko that time kung mababait ba mga teachers o strict. Kaya kinakabahan rin talaga ako nung mga araw nayan. So, First year kasi pang umaga naalala ko nun 4:00 am ako nagising at nakatulog rin naman ako ng kaunti pinilit ko rin talaga para mayroon akong lakas. Hindi ako nagmamadali dahil plantsado naman na uniform ko at susuotin ko na lang after ko maligo. Bumaba na ako at pumunta ng kusina ng 4:00 at naghanda na ako ng makakain naalala ko nagkape ako at kumain ng pansit canton sweet and spicy para sa taong matamis at mainit magmahal charot lang WHAHHAHA. Ayun, natapos ako ng exact 4:30 at naligo narin ako at nagayos. Nakarating ako ng school ng 5:15am medyo malapit lang pala school namin sa Bahay kaya mabilis rin ako nakapunta sa school. May nadaanan akong board na maraming papel at nakita ko na name and section ko sa bulletin board grade 7 section Demeter ako. Grabe Sis ang room ng person, Magdidimatay at mangangamoy maghapon ka talaga dahil ang room ng person niyo ay 3rd floor apakalala WHAHAHA.

Sawakas natapos narin sa mahabang akyatan papuntang heaven nakita korin ang aking heaven room. WHAHHAH exact 5:20 medyo marami ng tao sa classroom halos kalahati na then ang iba magkakakilala na, tapos ako nakaupo sa dulo sa sulok naghihintay ng may kilala excited rin kasi talaga ako that time kaya nung tumingin ako sa bulletin board sa pangalan ko lang ako naka focus at di ko narin napansin ibang names. Nung nakita ko palang na 3rd floor tinamad narin ako magbasa. Nung sinilip ko yung phone ko 5:45 halos madami narin parang nasa 30 plus nayata kami nag oobserve lang ako tinitignan ko kung may magiging close ba ako o wala. Pero may ilan naman na feelingko magiging close ko tsaka una palang naman mag gegetting to know each other panaman. Tumingin ako sa binta then, parang nakatulala ako ng biglang paglingon ko sa pintuan. May isang lalaking pumasok at grabe di ko nainexpect talaga na siya yung darating sobrang nagulat talaga ako at legit yung pa slowmo effect as in di ko tlaga maexplain yung nararamdaman ko that time. Sinasadya ba o nagkataon lang ?????? To Be Continued.....<3

@Fran_Cis 📜✍️

Comment for Chapter 2 kung gusto niyo pa namalaman ng buo. Maraming salamat at binabati kita dahil umabot ka hanggang dulo. Don't forget to like,comment,and share also to follow me. Thank you so much muawhhhhhh.....💖🥰🫶

&quot;My Highschool Crush&quot; By @Fran_Cis📜✍️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon