The Strager

7 1 0
                                    

Chapter 2

Napapaisip ako kung sinasadya ba ng tadhana o nagkataon lang ito. Si Markkkkk, totoo ba tong nakikita ko o nagiging delusional lang ako. Napatingin ako sa kanya ng matagal kasi nagulat talaga ako ng bigla niya akong tanungin na may nakaupo daw ba sa katabi kong upuan at tinignan ko nga yung vacant na upuan shoockksss. Oo nga walang nakaupo pero no choice sinabi ko na walang nakaupo dyan mark pagkasabi ko pa lang bigla na siyang umupo at sinabing tabi tayo Francis sabay ngiti sakin. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso pero grabe ang kilig ni person HUHU.... After nun, parang iba yung pakiramdam ko na di ko maexplain naeebak ba ako or sadyang di ako kumportable o di naman kaya kinikilig lang talaga ako. Syempre, Markkkkk na yun beh crush na crush ko mapapasabi kana lang talaga na araw-araw kang susubukin at makikipaglaban sa feelings mo. Nawala ako sa pagiging delusional ng biglang nanahimik yung buong klase kaya pala nanahimik nandun na yung Adviser namin. Itago na lang natin sa pangalang "Binibining Carol" dalaga pa siya at bata pa. Ang pagkakaalam ko bago lang din siya. May narinig akong boses sa kabila si Mark pala tinatanong niya ako bat parang ang lalim daw ng iniiisip ko at kung kinakabahan daw ba ako? Ang sambit ko naman sa kanya oo kinakabahan talaga ako. First day, kasi at panibagong mga personalities nanaman ang maeencounter ko today. Pagtapos ko maghayag ng mga nasa isip ko bigla niyang sinabi na "Wag kang magalala Francis nandito naman ako para kausapin ka at pwede mo naman ako maging kaibigan dahil kilala naman na kita nung grade 6 tayo"...

Nung narinig ko yung sinabi nya mas lalo akong kinilig ng sobra, feeling ko gumaan yung loob ko dahil nandyan yung crush ko para pagaanin loob ko and willing siya na maging kaibigan ko even na higit pa dyan yung gusto ko, grabe na talaga ang person sa pagkabaliw sa tao na ito. Pero atleast di ko na kailangan mag adjust ng malala dahil nandyan naman yung Future husband ko para samahan ako at supportahan ako sa mga bagay-bagay. Kung alam niyo lang talaga kung gaano ako maging delusional nung highschool ako sobra tlaga. Going back sa sinabi ni Mark sakin, Ang sinagot ko sa kanya is maraming salamat sayo mark kasi di ko na lang alam gagawin ko kapag wala akong kilala sa room na toh at isa pa di ko na kailangan mag adjust ng malala dahil nandyan kanaman na. Gusto ko sana sabihin na "Your My Savior" kaso nagdalawang isip ako kasi grabe naman ang Oa ng person WHHAHA....

So Ayun, Recess na namin inaayos ko lang yung gamit ko at pagkatapos nun bumaba agad ako ng room para pumunta sa canteen. Namangha ako sa itsura ng mga buildings at habang nakatingin ako sa mga facilities ng school hindi ko namalayang may nabangga na pala akong person. At pagtingin ko may kamay na nagabot sa akin at bigla siyang nagsalita at tinanong nya ako kung okay lang ba ako. Napatingin muna ako sakanya bago ko sagutin ang tanong "o-ok lang ako" at napansin kong nagmamadali sya at sinabi nyang "sorry talaga, I have to go na" at tumakbo na siya papalayo. After non nakapunta nako sa canteen, at habang nag o-order ako ay biglang sumulpot si mark sa likuran ko sabay sabing "pasabay naman ako" at inirapan ko sya at sinabing "ginawa mo pa talaga akong utusan ah" tumawa nalang sya at syempre no choice ako, sya na yon ehh, natapos nakong mag-order at binigay kay mark ang pagkain nya, aalis na sana ako pero nagsalita sya at sinabing "samahan mo muna ako" at bigla akong napahinto sa kinakatayuan ko dahil sa narinig ko, Omg?? Niyaya nya bakong samahan syang kumain, at sumang-ayon ako at umupo sa tabi nya, habang kumakain ako bigla nyang tinanong kung sino yung lalakeng nakausap ko kanina, at sinabi kong hindi ko sya kilala dahil nabangga ko lang sya, after naming kumain sabay na rin kaming pumunta sa room at iba yung kilig na nararamdaman ko dahil sinamahan nya ko, hindi na ata ako makakatulog neto mamaya, at nakapunta na kami sa room, ng maupo nako biglang dumating yung Adviser namin at nanahimik kami kasi parang may sasabihin ito, "ok class may bago kayong kaklase dito sa room" at biglang pumasok yung lalake, nagulat ako dahil sya yung nabangga ko kanina sa hallway.

"Hi I'm Kevin Delos Reyes and I'm 15 year's old" after non biglang nagsalita si ma'am at sinabing "thankyou Kevin, you can sit beside Mr. Francis" napatingin ako sakanya habang papalapit sya sakin, ng maupo sya bigla syang tumingin sakin at inabot ang kamay sabay sabing "pwede ba tayo maging magkaibigan?".

To be continued...<333

@Fran_Cis 📜✍️

Comment for Chapter 3 kung gusto niyo pa namalaman ng buo. Maraming salamat at binabati kita dahil umabot ka hanggang dulo. Don't forget to like,comment,and share also to follow me. Thank you so much muawhhhhhh.....💖🥰🫶

&quot;My Highschool Crush&quot; By @Fran_Cis📜✍️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon