Election For Classroom Officers

18 1 2
                                    

Chapter 3

Francis pov's:

Nang marinig ko na sa akin tatabi si Kevin nagulat ako at tumingin ako sa upuan na uupuan niya... Nung umupo na siya halos hindi ako makatingin kay Kevin paano naman ako makakatingin ng maayos sa kanya eh... Nabangga ko siya at di man lang ako nakapag sorry ng maayos, dahil nga di ako makatingin ng maayos sa “BAGONG TRANSFEREE” Naibaling ko nanaman ang isip ko Kay Mark... Nang biglang may tumawag ng pangalan ko si Kevin pala ang tumawag sa pangalan ko at bigla siyang tumingin sakin at inabot ang kamay sabay sabing....

Kevin: pwede ba tayo maging magkaibigan?

Me: Oo, Naman... Pwedeng pwede pero about pala kanina pasensya kana kasi hindi ko napansin yung aking dinadaanan. [Habang nakikipag kamay]

Kevin: Okay lang, wala yun it's my fault rin naman dahil sa pagmamadali ko di ko rin naisip na makakabangga ako.

Me: [Ngumiti Ako] At sabay sambit salamat..

Kevin: Paano magkaibigan na tayo?

Me: Oo na, friends na tayo..

Kevin: Thank you... Ano pwedeng itawag ko sayo First Name, Username?

Me: Kahit Fran's na lang itawag mo sa akin. (Okray naman nito, bakit may pa call sign pa WHAHHAH sambit ko sa aking isip.)

Kevin: From now on, I will call you Fran's, and you can call me Vin.

Me: Okay Vin, Thanks sabay tingin sa harapan.

Kevin's pov:

Unexpected ko na siya yung naka bangga ko at dito rin ako mapupuntang section. But, I think it's good narin naman even na hindi maganda yung first day of school ko rito. Ang mahalaga may nakilala ako agad at di narin ako kakabahan pa, habang tinitigan ko si Fran's naiisip ko na okay naman pala siya. Madaling makausap hindi snobber at napaka soft ng voice niya at plus mabait naman siya. Gusto ko pa siya makikila ng husto ngayon lang ulit ako naging interesado sa isang tao.

Mark's pov:

Tinitignan ko lang si Francis at yung bagong transferee mukhang nag ge-getting to know each other natong dalawa ah... Sabagay maganda narin yun para magkaroon din ng bagong friend si Francis... Habang nakikinig lang ako sa dinidicuss ni “Binibining Carol” magkakaroon daw ng Election para sa class officers bukas o kapag hindi daw bukas sasusunod na araw na lang daw... Bat kaya di pa sila tapos magusap na dalawa ano kaya meron... Yumuko na lamang ako saglit ng biglang pag lingon ko kabila hindi na sila naguusap nung dalawa at si Francis nakatulala lang at nakatingin lang sa harap ng pisara.. agad ko rin naman tinanong si Francis, Uhyy, mukhang lalim nanaman ng iniisip natin ah, Okay ka lang ba?...

Francis Pov's:

Habang naka tulala ako sa harapan narinig ko kasi na magkakaroon nanaman ng election para sa classroom officers sana naman di na ako maelect as a Vice-president ng class ngayong taon... Baka kasi di ko magampanan yung part as a VP, nakaraan kasi dahil nga busy ako sa mga activities and event ng school hindi ko na nafocusan yung pagiging Vp ko nung grade 6 ako... Habang marami akong iniisip ng biglang kinusap ako ni Mark.

Mark: Uhy, mukhang lalim nanaman ng iniisip natin ah, okay ka lang ba?.

Me: Hindi naman sakto lang iniisip nasa isip ko,  okay lang ako no worries.

"My Highschool Crush" By @Fran_Cis📜✍️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon