Chapter 5
Kevin's Convo:
Me: Huy, Anong Cutiepieeee sinasabi mo???!!!
Kevin: Basta, Bukas magdala ka ng kanin mo at baunan mo.
Me: Oo na, Sigeh na bye na see you tomorrow.
Francis Pov's:
Sa wakas na tapos ko na rin yung mga dapat gawin sabay unat at humikab ng malalim habang pinagmamasdan ang master list na natapos.... Grabe hindi pala talaga biro maging Secretary HUHUHU pero ang mahalaga nagagawa yung obligation as a classroom secretary, Musta na kaya si Mark ngayon ano kaya yung problema niya... Chat ko ba or hindi tanong ko ba kung ano yung problema niya kaso nga lang parang napaka feelingera ko naman kung makapaghimasok ako ng buhay ng isang tao diba ano ako jowa niya para pakialaman siya... I think now need ko na maligo at magpahinga hindi ko na aalagaan ang aking self at super nanggigita na ang person...
7:30 na pala habang nagaayos na ako kasi kailangan ko na dapat matulog dahil pang umaga pa ako sinilip ko muna yung cellphone ko kung may mga taong nagchachat sakin... Nang makita ko sa screen ko na nagchat si Mark at kinakamusta ako kung nagawa ko na ba yung mga dapat kong gawin.
Mark's Convo:
Mark: Good evening, Fran's kamusta kana nagawa muna ba yung Master List ng buong Section natin?
Me: Good evening din po. Pres, oum natapos ko na siya kanina pa naka Doc's narin siya.
Mark: Nice good yan, sipag naman ng Secretary namin. By the way may printer na ba kayo kasi if ever man na wala. I'm willing naman na ako na lang mag pi-print para di kana mahirapan pa.
Me: Okay lang pres. Wag kang magalala na print ko na siya... Thank you Pres! <3333 [ Grabe naman tong si Mark anlala magconcern sana sakin lang siya ganyan Charizzz lang WHAHHA start nanaman si ako magdelulu pano ba naman kasi napaka responsible niyang president deserve niya talaga yung position niya sa puso ko!!!ayt sa classroom pala peace.]
Mark: Fran's nakausap muna ba si Aileen about sa mga dapat natin dalhin bukas?
Me: Oum pres, nagchat na kami ni Aileen kanina nasend ko narin yung mga information niyo sa kanya. Hala, nakalimutan ko mag create ng GC natin... [ oo nga pala kalimutan ko gumawa nawala sa isip ko kasi naman yung Master List yung na unang nag pop-up sakin kanina.]
Mark: Fran's ako na lang gawa ng GC natin para di kana mahirapan... At gumaan rin yung isip mo I know masyado karin naging abala sa Master List natin.
Me: Legit ba Mark, Okie lang ba sayo... [Grabe kana mark yoru my savior talaga kahit saang aspeto!]
Mark: Oo naman basta ikaw Fran's malakas ka sakin Hihi....
Me: Luh, parang ano toh baka lumaki na ulo ko nyan. Baka maging spoiled ako niyan. Joke lang po don't take it seriously ah pres. [ Shocks di talaga nagiisip ang person na ito oh. What if malaman niyang crush mo siya edi nag distance yarn. ]
Mark: Okay lang Fran's, tska ayaw mo nun pagdating mo sakin spoiled ka hehe. Sige na gagawa na ako gc and after nun sleep narin ako maaga pa tayo bukas kaya bawal tayong mapuyat kaya ikaw matulog kana...
Me: Oo na po, sigeh na mark sleep na ako di na kaya ng mga eyes ko. Bye see you tomorrow goodnight. ( Mark's Heart your message)
Mark: Goodnight too Fran's also goodluck tomorrow!. (You Heart this message)
Kevin's Pov:
Hindi ako makatulog ano kayang ulam ang lulutuin ko para kay Fran's mukhang mapapasubo ako ngayon... This is the first time na ako ang magluluto bigyan niyo po ako ng sign kung ano ba yung masarap lutuin at mabilis lang lutuin para bukas. What if manuod kaya ako sa YouTube ng Tutorial kung paano magluto at kung ano yung unang magpop-up na ulam na lulutuin ayun na yung lulutuin ko bukas... Search Easy Filipino Food Recipes, ang unang lumabas sa youtube na ulam “Chicken Adobo” After kong makita na manok yung nasa video sinilip ko agad kung meron bang Manok sa Refrigerator pagkita ko. Hala, walang manok Ang meron lang baboy pero okay na yan mahalaga merong manok... Habang pinapanuod ko sobrang dali lang pala after ko manuod inaayos ko na lang muna yung mga gagamitin kong ingredients pagtapos nun nag simula na ako maghiwa ng mga ingredients.... Kung gusto niyo makita yung ingredients ilalagay ko na lang...
BINABASA MO ANG
"My Highschool Crush" By @Fran_Cis📜✍️
RomanceHellow pala sainyo, Ako pala Si Francis pero pwede niyo akong tawagin sa palayaw ko Denden. I'm 20 years old na gusto ko lang ishare yung karanasan ko nung highschool at para rin sa mga incoming First year Highschool dyan.