CHAPTER 27: UNLEASH MY MEMORY

842 45 174
                                    

[ NOTE: ALL CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO FICTITIOUS CONCEPT WHICH IS NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ NOTE: ALL CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO FICTITIOUS CONCEPT WHICH IS NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE ]

             .                   Third person point of view

Palubog na ang araw sa lalawigan ng San-Marcelino, malapit na sumapit ang kadiliman sa paligid, Marami ang mga pulis na nag babantay sa bahay ni Gary Tolentino, upang walang mag tangka na pumasok sa loob.

May isang tao naman ang naglalakad patungo sa mga Pulis, may malapad siyang ngiti sa kanyang labi na para bang isa siyang anghel na ibinaba sa lupa ngunit hindi.

"Bawal pumasok." Mabilis hinarang ng mga pulis ang nag tangka na pumasok sa loob tinapik nang lalaki ang balikat ng isang pulis at may kinuha siya sa kanyang bulsa Itinaas nito ang hawak niyang Identification Card.

"Pwede na ba akong pumasok?" Humawi naman ang mga pulis upang bigyan ng daan ang isa pang alagad ng batas, nagmadali siyang pumasok sa loob at sinuot ang mask niya pati na ang hawak niyang gloves sa kamay.

Hinalughog nito ang buong sala. binuksan nito ang mga drawer, cabinet, lagayan ng mga papel pati na ang lamesa na may maliit na drawer binuksan niya. ngunit nangasim lamang ang mukha nito na para bang bigo sa kung ano ang hinahanap niya.

Lumapit ang lalaki sa kusina, naupo siya at hinawakan ang trashbin. mabilis niyang tinaob ang lagayan ng basura at kinalat ang mga laman  kinuyom niya ang kanyang kamay.

Tumayo siya at mabilis na tinungo naman ang office ni Gary, Inilibot nito ang paningin sa buong silid ganon ulit ang kanyang ginawa binuksan, kinalkal, hinalughog niya ang buong silid para bang gusto na niyang baliktarin ang buong bahay ni Gary.

Maging ang mga kahon na punong-puno ng mga papel, hindi niya pinalagpas kinalat niya yon sa lamesa ni Gary at sa sahig pero bigo siyang muli, Maging ang ilalim ng mga couches tinignan na niya pati na ang mga cabinet, drawer, ilalim ng lamesa, furnitures,

"Where did you hide my knife, Gary." Galit na galit na ang mukha nito habang nakatingin sa mga gamit na sobrang gulo na.

"Hanggang sa huling hininga mo Pinahihirapan mo ako."

May narinig ang lalaki na mga boses na mula sa labas ng bahay kaya naman mabilis ang mga galaw nitong pumasok sa banyo nang office ni Gary, dahan-dahan niya 'yon sinara nang malapit na ang mga boses na narinig niya.

Hinawakan nito ang doorknob at nakinig sa usapan nang mga tao sa labas ng banyo. "Someone is here before us, Sayra." Gumuhit ang  demonyong ngiti ng lalaki dahil sa mga narinig nang mga tainga niya.

Lumipas ang ilan pang minuto bago lisanin ni Zee-o at Sayra ang bahay ni Gary, Nagmadali naman na tinanggal nito ang suot niyang mask at gloves inayos niya ang buhok nito.

Mabilis siyang lumabas nang bahay ni Gary at lumabas muli ang malapad niyang ngiti. "Nagkita po ba kayo ng Prosecutor at Detective sa loob?" Natigilan ang lalaki sa tanong ng isang Pulis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon