CHAPTER 06: THE DEDUCTION

2.3K 355 289
                                    

Trigger warning: There is some scenes that might cause you to Trigger your trauma or anxiety if you cannot bare the scenes please do not hesitate to back out, contains Blood, weapons and more inappropriate scenarios that not suitable for very young age.

Play the song Higher up by flowsik while reading this chapter. Stay safe and enjoy reading!🤍

"24 HOURS AFTER THE MURDER OF AMOR VALARESSO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"24 HOURS AFTER THE MURDER OF AMOR VALARESSO."

                                                Sayra

Tumingin ako sa paligid nandito na ang mga paramedics at ang mga pulis kasalukuyan akong nakaupo sa likuran nang isang ambulansya habang may nag bebenda saaking ulo gawa nang ingkwentro ko kanina with Arth.

"Okay na ba yung ulo mo,Prosecutor?" Pambungad na tanong saakin ni Dominic. Napapakamot pa sya nang kanyang batok habang umiiling sobrang maingay ang paligid dahil sa ingay ng mga sirens pati na ang mga hiyawan ng mga taong nakapalibot sa labas ng bahay ni Arth Mevislo.

"Where is he now?" Pinalayo ko 'yung nurse na umayos ng aking benda tapos ay tumayo ako habang nakaharap kay Dominic.

"Dinala na sya sa Police Agency. Nandoon na din si Captain Zee-o." Medyo kumikirot ang sugat sa ulo ko pero kailangan ko pa mahanap si Cean Vizcaino nakakatiyak akong ngayon palang pinaghahandaan na nya ang pagalis sa bansa. "Makinig ka Dominic, kailangan natin mahuli si Cean bago pa sya makalayo. Tawagan mo na din si Luvienne, Travel banned for Cean Vizcaino." Mabilis kong kinuha sa kamay ni Dominic ang Susi ng aking sasakyan kanina ko pa kasi napansin na hawak nya 'yon.

"Hindi pa maayos ang sugat mo. Prosecutor!!" Kahit na sobrang masakit ang sugat na iniinda ko ngayon hindi ko na 'yon pinansin pa ang mahalaga sa oras na ito ay ang pagdakip sa mga taong pumatay kay Amor Valaresso.

****

"25HOURS AFTER THE MURDER OF AMOR VALARESSO."

Nakayukom ang dalawa kong kamay habang tinatahak ang bahay ni Cean Vizcaino sinabit ko ang posas saaking pants maging ang batuta kong hawak ay binuksan ko na. Sisiguraduhin kong gumagapang kana papasok sa Metropolitan Police Agency.

Huminga ako ng malalim at malakas kong sinipa ang pintuan nitong bahay nya. "CEAN VIZCAINO! YOU FUCKING BASTARD!" Wala akong naririnig na kahit na anong ingay dito sa living room pero may nadinig akong kaluskus mula sa isang kwarto.

Tinahak ko ang kwartong pinagmulan ng kaluskus at dali dali kong binuksan ang pintuan. "Cean." Nadatnan ko syang nagiimpake ng kanyang mga gamit nang marinig nya ang boses ko may nilabas syang isang kutsilyong maliit. "Don't come near me!" Bakas sa mukha nito ang takot at kaba sigurado akong natatakot kana dahil bistado ko na lahat ng krimen na ginawa mo.

Winasiwas nito ang kamay nyang may hawak ng kutsilyo para hindi ako makalapit sa kanya. Sinipa ko ang kamay nito kaya naman tumilapon ang hawak nyang kutsilyo nagkibit balikat lang ako sa harapan nya at binigyan ko sya ng isang ngiti yung ngiting maaasar si Cean. "You're done. fuck you." Hindi ko kaagad napansin ang hawak nitong upuan kaya naman nahampas nya aking balikat bumagsak ako sa sahig na may iniindang sakit.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon