CHAPTER 15: CAN YOU HEAR THE SILENCE.

1.8K 216 184
                                    

[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

The sins of the father are to be laid upon the children - William Shakespeare

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The sins of the father are to be laid upon the children - William Shakespeare.

Play the song Surf by Inni while reading!

[ Third Person Point Of View]

Pumasok sa isang silid ang matandang lalaki habang nasa likuran nito ay ang kanyang kanang kamay. Tumalikod lamang ang matandang lalaki at dumungaw sa bintana nang kanyang Opisina

"Natapos mo na ba ang trabaho mo?" Tanong nito sa lalaking matanda na nasa likod nya. "Tapos ko na po boss, wag ka mag-alala kagaya pa din ako nang dati maasahan mo ako." Binitawan nito ang hawak nyang mga documents atsaka binuksan ang isang drawer. Kinuha nito ang isang baril at mabilis nyang kinasa.

Nanatiling kalmado ang matandang nakatayo kahit pa nakarinig na s'ya nang pag-kasa nang baril hindi nya 'yon inalintana. "Hindi mo ako masisindak sa baril na hawak mo alam kong alam mo kung ano ang kaya kong gawin na hinding-hindi mo magagawa dahil mahina ka." Itinutok nang matanda ang baril sa ulo nang amo nya nanginginig man ang kanyang kamay wala syang magagawa dahil buhay nya ang magiging kapalit kapag hindi nya ginawa ang pinagutos sakanya.

"Manahimik ka!" Sigaw nito. "Wala kang utang na loob pag-tapos kitang bihisan at palamunin ganito ang ibabalik mong kapalit? " Lalong nanginig ang kamay nang matanda at hinigpitan ang hawak nito sa baril. "Tapos na ang serbisyo ko sayo. Kaya kung pwede lang huwag mo akong lalaitin!" Ipuputok na sana nito ang hawak nyang baril pero humarap na ang matandang lalaki.

Hinawakan nito ang hawak na baril nang kanyang kanang kamay at sobrang bilis nyang tinanggal ang bala mula sa loob nang baril at hinagis na kung saan. Galit ayan ang bumabakas sa mukha nang matandang lalaki. "Hindi ako maka-paniwala na magagawa mo ito saakin."

Hinawakan nya ang lalaki sa leeg at walang hirap nya itong itinaas na parang bagay na magaan lamang hawakan. Halos hindi na makahinga ang lalaki at namumula na din ang mukha nito dahil sa naipon na dugo. Hindi na din nya magawa pang magsalita.

Kumuha ang matandang lalaki nang isa pang baril sa drawer at kinasa nya ang baril gamit lamang ang isang kamay tapos itinutok sa ulo nang lalaki. "Tapos na ang serbisyo mo sakin."

Umalingawngaw ang isang malakas na putok nang baril ngunit hindi ang lalaking kanang kamay nang matanda ang bumagsak kung hindi ang dati nyang amo. Umagos ang likido nang dugo sa sahig na nagmula sa ulo nito.

May isang tao naman ang nakatayo sa pintuan habang nakataas ang kamay at may hawak na baril huminga s'ya nang malalim at pagalit na tinapon ang baril sa gilid. Lumapit s'ya sa katawan nang matandang lalaki at nagtagpo ang dalawa nilang mga mata.

"B-bakit?" Tanong nang matanda. Hinawakan nito ang buhok nang matanda at hinampas nang malakas sa sahig dahil sa ginawa nang tao na 'yon umagos ang dugo sa ilong at bibig nang matanda. "Anong bakit?" Tumawa s'ya nang sobranga lakas na para bang demonyo na nawawala sa sariling katinuan.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon