CHAPTER 23 : MURDER WEAPON.

1.3K 71 0
                                    

[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

 ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



.                                                                  SAYRA

Tumingin lang ako kay Zee-o at dahan-dahan kong binaba ang aking cellphone. Ano ba ang nangyayari ipinikit ko ng mariin ang aking dalawang mata dahil hindi ko na alam ano pa ang uunahin namin. "Ako na ang bahala kay Gary iba-baba nalang kita sa hospital, Sayra. Sakay."

Tinapik nito ang aking balikat kaya naman sabay kaming pumasok sa loob nang sasakyan. Mabilis ang ginawang pag-mamaneho ni Zee-o, Upang maidala ako sa hospital dahil doon 'raw natagpuan ang mainit na bangkay ni Sister, Helena.

Makalipas lamang ang ilang minuto na biyahe pinarada ni Zee-o ang sasakyan sa harapan ng building ng hospital. "I'll call you later, kapag nahuli ko na si Gary." Tumango lamang ako sakanya  at lumabas na ng sasakyan. Isinarado ko na 'rin ang pinto.

Pumasok na ako sa loob ng hospital at nakita ko ang kumpulan ng mga pasyente at maging ang mga pulisya. "Prosecutor." Lumapit saakin si Luvienne ng makita nya akong naglalakad, siya kasi ang nandito para asikasuhin ang mga kailangan ni Kaslana.

"Anong nangyari? Okay naman siya kanina 'nung iniwan natin."

Huminga lang siya ng malalim at sabay na kaming naglakad. "May police protection 'rin naman sila." Dagdag ko pa sa sinasabi ko kanina. "Nakatayo lamang ang mga pulis sa silid ni Kaslana. Hindi nila nakita ang salarin." Humawi naman ang mga pulis para makadaan kami.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng banyo walang CCTV kaya dito napili ng salarin na patayin ang biktima.  Lumapit ako sa isang cubicle kung saan nakaupo sa sahig si Sister, Helena.  May bakas na strangulation ang kanyang leeg dahil namumula ang bahagi na 'yon. Bukod doon wala na akong nakita pa wala 'ring bakas ng nanlaban ang biktima.

Umalingaw-ngaw ang isang sobrang lakas na boses ng babae, nang galing ang sigaw sa labas ng banyo. Naghintay pa ako ng ilang segundo at pumasok na nga siya. "Kaslana." Humawak siya sa pintuan ng banyo at dahan-dahan na naglakad patungo sa cubicle.

Muntik pa siyang matumba dahil sa pang-hihina kaya mabilis ko siyang hinawakan. "T-tita? a-anong g-ginagawa mo diyan? Hmm?" Nuutal nitong saad habang nakatingin sa bangkay ng kanyang tita.

Tumulo na 'rin ang ilang butil ng kanyang luha hindi ko maiwasan na umiwas ng tingin "T-tita? Ahh, ahh! t-tumayo ka please? haaahhh!" Habang sinasabi niya ang linyang 'yon pahina nang pahina ang kanyang boses, Lalo ko pa siyang hinawakan pero parang nanlambot pati ang dalawa kong tuhod.

Sabay kaming dalawa na napa upo sa sahig kaya mas lalo ko pa siyang niyakap. "W-wag mo a-akong iwan! Ahhhh, Ahhh!!" Hikbi lamang nya ang naririnig sa buong banyo.

Tumingin naman ako sa pintuan ng banyo at nakita ko si  "Luvienne." Tumingin ako sakanya pero nakatulala lamang siya habang nakatingin kay Kaslana. "Titaaa!!!!! TITAAAA!!!" Mas lalo pang lumakas ang kanyang hikbi, ang kaninang mahinang boses ay lumakas at mas lalong sumakit pakinggan. Tumingin ako kay Kaslana.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon