CHAPTER 18: THE FORTH VICTIM.

2K 198 185
                                        


[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

                                                                    SAYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.                                                                    SAYRA

         QUINTERO REPAIR SHOP— DAY:        TUESDAY   TIME: 12:00NN.

Kinuha ko ang aking buhok na hinahangin at itinali nang mataas dahil mainit ngayon sobra din ang init nang araw na tumatama saaking porselanang balat.  Iniayos ko ang hawak kong shoulder bag at tinignan ang magkabila kong peripheral vision nang may maaninag akong naka-tago sa isang malilim na puno. Gumuhit na lang ang ngiti sa labi ko bago tumungo sa loob nang repair shop.

Ipinihit ko ang saradula pakanan at lumingon muli sa paligid bago pumasok sa loob. "Yes, Quintero repair shop." bungad nang isang lalaki na busy sa pag-aayos nang isang telepono naka-suot ito nang kulay asul na sumbrero, Gray t-shirt na fitted and jumpsuit na kulay asul din may puting gloves ang dalawa nitong kamay. Lumapit ako sa gawi nito at kinatok ang lamesa upang umangat ang tingin n'ya saakin.  Ibinaba nya ang hawak nitong telepono at tinignan ako.

"Ikaw ba ang sinasabi saakin ni Alexander?" Tumango ako bilang tugon sa tanong nya. Kinuha ko mula saaking bag ang litrato na hawak ko ang larawan nang mga bata sa light and hope orphanage. Ipinakita ko 'yon sa kanya ngunit kalmado lang ang mga mata nya habang sinusuri ang larawan na binigay ko.

"Gusto mo bang maaninag ang mga mukha nang mga bata na nandito?"  Huminga s'ya nang malalim  at ngumiti nang sobrang lawak. "Mahirap ang isang 'yan mag-hanap ka nalang nang iba na handa kang tulungan."  Nilibot ko ang aking mata sa paligid sobrang gulo nang mga gamit nya at alam kong wala masyadong nag pupunta dito. Nakita ko din ang mga computer's na naka-bukas kaya naman may pinindot s'yang button para magsara lahat nang computer.

"Sinabi saakin ni Alexander na magaling ka at kaya mong magayos nang mga bagay-bagay." Tinignan ko ang pustura nito maging ang paligid ay pinasadahan ko nang tingin. "Hindi talaga maghanap ka nalang nang iba." Pinan-ningkitan ko s'ya nang mata at sinamaan nang tingin.

"Magkano ba ang bayad?" Tanong ko bigla naman s'yang napalingon saakin at para bang nagningning ang dalawa nitong mata. "Para sayo fifteen thousand nalang." Tinaas - baba n'ya ang kanyang kilay habang may ngiting na-kakaloko.

"Magkano ba ang bayad para maireport kita sa pulis? Nakita ko ang files mo isa kang ex-con na hacker pinasok mo nga ang system nang NFS at FBI para lang sa isa mong kliyente at hanggang ngayon illegal pa din ang trabaho mo at nag-disguise ka lang nang repair shop." Umupo ako sa malapit na upuan at nag -dekwatro.

"P-paano mo-" tinapat ko ang aking identification card saaking bibig para mabasa nya nang maayos. Halos lumuwa ang kanyang mata dahil sa nabasa nya. "P-prosecutor hehe." Tumango ako at nginitian s'ya nang parang nang-aasar. "Deal or no deal?" Kinamot nya ang kanyang batok at alanganing ngumiti.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon