CHAPTER 25 : THE PACKAGE

1K 48 20
                                    


[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

                                                                  SAYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                  SAYRA

DEPARTMENT ONE TEAM OFFICE | 3:30PM

Maraming mga pares ng mata ang nakatingin ngayon sa bulletin board na nasa harapan namin nang makita namin ang iniwang papel ni Gary Tolentino mabilis na nag bigay ng abiso si Zee-o na magtipon sa loob ng meeting room dahil may mga pinagusapan kami.

Tumingin ako kay Zee-o na malalim ang iniisip na para bang hindi nya pa rin ma-proseso ang mga nangyayari dahil maging ako hindi makapaniwala all this time gary is not the killer siya ang tumutulong sa salarin na hindi namin agad naisip.

I'm so disappointed kasi parang wala kaming magawa knowing na baka nandyan lang sa tabi-tabi ang salarin at taimtim kaming pinapanuod. Inilibot ko ang aking mga mata at tinignan ang isa-isa naming mga kasamahan.

"S & S is that a name?"

Basag ni Luciel sa tahimik na paligid. "S & S"  basa kong muli sa papel na nakadikit sa board. "Tingin ninyo bakit nagiwan ng suicide note si Gary?"

Tanong muli ni Luciel.

"Para ipabatid saatin na wala siyang kinalaman sa pag kamatay ni Federico at linisin ang pangalan niya." Tumingin ako sa sumagot Dominic "What? kung hindi siya ang pumatay kay Federico sino?"
sagot muli ni luciel.

"Someone's hiding in the light." Nagtama ang mata naming dalawa ni Zee-o pagtapos n'yang sabihin ang linya na lumabas sa bibig niya. "Malapit na tayo sa katotohanan, malapit ko ng malaman ang lahat." sa hinding malamang dahilan bumilis ang tibok ng aking puso para bang mauubusan ako ng hininga dahil sa sinabi ni Zee-o.

Natahimik ang lahat nang may kumatok sa pintuan nawala naman ang mainit na tensyon sa pagitan naming dalawa ni Zee-o. Tumayo si Dominic ar mabilis na binuksan nag pintuan at bumungad doon anh isang delivery man habang may hawak na maliit na box.

"Sayra Ramanda Brielle." Nang marinig ko ang aking pangalan kumunot ang aking noo.  Tumayo na ako mula saaking upuan para makuha yung package. Lumapit ako sa delivery man at kinuha ko ang box. "Paki-pirmahan nalang po ma'am." Ginawa ko naman ang sinabi niya at pagtapos 'non ay mabilis na siyang umalis.

Bumalik ako saaking upuan at nilapag ang hawak kong package pero hindi muna ako umupo dahil nakita ko sila Timothy na abala sa pag-aayos ng mga documents like pile of folders, Lumapit ako sakanila
at tinulungan ko silang mag-ayos. "Ano 'yon?"

Tumingin ako sa box nang magtanong si Timothy. "Hindi ko alam." Kinuha ko ang isang papel at binasa ko itong muli kahit na paulit-ulit na namin itong binasa hindi dapat kami tumigil dahil baka may mga ilang bagay kaming  hindi nabasa o kaya nalagpasan.

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon