CHAPTER 14 : THE MISSING PIECE / RE-INVESTIGATION

1.8K 249 180
                                    

[ NOTE: ALL THE CHARACTERS IN THIS BOOK ARE FICTITIOUS THE DEPARTMENT ONE TEAM IS ALSO A FICTITIOUS CONCEPT. WHICH DOES NOT EXIST IN THE REAL POLICE FORCE. ]

                                                                                 " The missing piece of the crime 30    years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                                 " The missing piece of the crime 30   
years ago."

Chapter 14: The Missing Piece /  Re-investigation.

                   [ Third Person Point Of View ]

       3HOURS AGO BEFORE THE CRIME

Tahimik lamang ang ginang na si Veronica. Habang nagtitingin nang mga lumang litrato nito noong s'ya ay dalaga pa. Napukaw nang mata nya ang isang larawan na nasa isang kusina s'ya at masayang nakaupo sa lamesa habang may hawak s'yang tinapay.

Nanlaki ang dalawa nitong mata ng may lumitaw na ilang memorya sa utak nya pagtapos nito makita ang larawan.  Binalik nya ang photo album sa lagayan at dahan - dahan pinaandar ang wheel chair papunta sa living room. Ngunit hindi pa s'ya nakakalapit sa kanyang Telepono ay may naramdaman na itong  kakaiba sa paligid.

Mabilis na kinuha ni Veronica ang kanyang cellphone sa lamesa  atsaka tinawagan si Sayra. Subalit naka -ilang ring pa lamang ang telepono ay may naramdaman na syang taong papalapit sa kanya. Hinigpitan na lang ni Veronica ang hawak sakanyang cellphone. Hindi nito malaman ang kanyang gagawin dahil may ibang tao sa loob nang condo n'ya. 

Narinig nito ang boses ni Sayra sa kabilang linya at nanginginig ang boses na binigkas ang katagang. "Magkita tayo may naalala akong nakalimutan kong sabihin." Nag hintay s'ya ng ilang segundo at pinatay nito agad ang tawag hindi na din nya nagawa pang magsumbong sa kausap niya kahit 'ayon na ang kanyang pagkakataon.

Haharap na sana ang ginang nang biglang may naramdaman s'ya na may pumulupot sa leeg nya. "A-aahh!" Hinawakan nito ang nakapalupot sa leeg nya at napagtanto na isa itong Lace nang bag. Mas lalo s'yang natakot dahil naalala nya na pareho ang nangyayari sakanya ngayon sa naranasan nyang bangungot 30 Years Ago.

Nahihirapan na itong huminga pero pinilit n'yang kapain ang lamesa upang humanap ng kahit na anong bagay na pwede n'yang maihampas sa salarin nahawakan nya ang isang tinidor at mabilis nyang sinaksak ang salarin sa kamay nito at ibinaon nyang maigi ang Tinidor. Dahilan upang lumuwag ang lace ng bag sa leeg nya.

Hinabol nito ang kanyang hininga at napahawak sa leeg nya.  Nanlaki ang mata nito nang makita ang salarin na nasa harapan na nya agad. Sa-sakalin na sana s'ya nito ngunit hindi ito nag tagumpay.

Mabilis na sinipa ni Veronica nang malakas ang salarin sa Tiyan dahil dito nahulog s'ya mula sa wheel chair, malakas ang pagbagsak nito sa sahig kaya naman sumakit lalo ang likod n'ya maging ang tuhod nyang may tahi.

Nakita nito ang cellphone nya na hindi gaano malayo sakanya. hahablutin na sana n'ya ang telepono  "AHHHHHH!!!!!"

Malakas na sigaw ang kanyang  pinakawalan. Nasaksak ng salarin ang kanyang hita malapit sa tuhod nya kaya naman walang nagawa ang ginang kung hindi ang sumigaw ng malakas. 

DEPARTMENT ONE ( THE CRIMINAL DIVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon