Gian POV.
"Ano? Nawawala si gia?!" agad akong napatayo ng marinig ko ang sinabi ni denver.
"Kanina pa namin siya hinahanap pero hindi namin sya mahanap, sinubukan ni hiro i trace ang location niya at nalaman namin na nasa lumang bodega sya, sa tambayan nila Reagan" Agad kumuyom ang kamay ko sa narinig ko.
Tangina! Sana pala tinuluyan kona si gago, Wag lang siyang magkakamaling saktan ang kapatid ko dahil ililibing ko talaga sya ng buhay.
"Fuck!"
"Problema mo?" Agad akong napatingin kay Cindy na bagong dating lang.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong nya sa'kin, akmang lalampasan kona sya ng hawakan nya ako sa pulso.
"Alam mong bawal ka pang mag lakad masyado, hindi kapa magaling" seryosong sabi nya habang naka kunot ang noo nya.
"Nasa panganib si gia, kailangan ako ng kapatid ko" sabi ko atsaka ko binawi ang pulso ko, narinig ko pang marami s'yang sinabi pero hindi kona pinansin.
"Shit!" Mura ko atsaka ako napahawak sa tuhod ko.
Hindi pa ako tuluyang magaling sabi ni Dr. Sanchez, dalawa o tatlong buwan bago ako tuluyan gumaling.
Pagka dating ko ay sakto rin na nakita ko ang section D. maliban kay damian.
"Naknam putcha nandito naman pala si gian e" Sabi ni troy.
"Akala ko ba hawak ka nila reagan?" naka kunot noong tanong ni krade.
So, hindi pa nila alam?
"Mamaya kona ipapaliwanag" Sabi ni denver atsaka sya tumingin sa'kin.
Akmang papasok na kami ng bigla na lang may dumating na mga naka motor, Noong una akala ko isa sa mga tao ni reagan. Pero agad kumunot ang noo ko ng makilala ko ang grupo nila diego.
Anong ginagawa ng ungas na'to dito?
Akmang mag sasalita na ako ng bigla na lang kami nakarinig ng putok ng baril kaya agad na kaming nag madaling pumasok.
"Ano yun putok ng baril?"
"Malamang, alangan naman na putok mo" Sarcastic na sabi ni raven, Agad na lang akong napailing. Hindi parin sila nag babago.
Pagka bukas namin sa pintuan ay agad kaming natigilan sa nabungaran namin, Kaya pala hindi ko sya nakita kanina e. Nauna na pala sya sa'min.
Si damian na nasa gitna ng mga lalaking naka handusay habang puno ng dugo ang damit nya.
"Anak ng pusa . . . . . " Gulat na sabi ni troy, sino ba naman ang hindi magugulat sa dami ng nag kalat na katawan, tapos puro basag pa mga mukha nila.
"Tatanungin kita ng isang beses, Pag hindi ko nagustuhan ang sagot mo. You know what will happen" Agad naman namutla ang lalaki ng tutukan sya ng baril ni damian.
Agad na akong lumapit atsaka ko sinuntok ang lalaki, Wala akong pakialam kahit bugbog sarado na sya.
"Tangina! Saan nyo dinala ang kapatid ko?!" Pag talaga may nangyare kay gia hahanapin ko sila isa-isa at sisiguraduhin kong magsi-sisi silang nabuhay pa sila.
"S-Sa bagong tambayan nila r-reagan-" Hindi kona sya pinatapos at agad kona s'yang sinuntok atsaka nag madaling lumabas.
Nakita ko namang sumunod na rin yung iba.