Giana POV.
agad nabalik ang tingin ko kay Diego ng hilahin nya ako papunta sa gitna ng dance floor.
"Anong ginagawa mo?" naguguluhan na tanong ko sakanya.
"Do you know how to grind?" bulong nya sa'kin atsaka nya ako pinatalikod sakanya, akmang mag tatanong na ako sakanya ng makita kong nakatingin na sa'min si Damian.
Pero agad kumuyom ang kamay ko ng makita kong parang linta na naka kapit sakanya ang babae.
'putangina, akala ko ba sila na ni Kelsey?'
Binalik ko ang tingin ko kay Damian at agad kumulo ang dugo ko ng makita kong nakangisi na sa'kin si gago.
pero agad rin akong napangisi ng makuha ko ang ibig sabihin ni Diego
"Woah! Easy, baka may magising" hindi ko pinansin ang sinabi nya at agad akong nag grind sakanya kaya agad kong narinig ang pag mura nya "Damn! That's hot" agad na lang akong natawa sa sinabi nya.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin na rin samin yung mga ibang sumasayaw kanina, ramdam ko rin na naka tingin na rin samin ang section D.
Tsk, bakit nga ba ako magpapa apekto sa impaktong yun? Mas lalo pa akong ginanahan mag sayaw ng mapalitan ang kanta.
" I see you windin' and grindin' up on the floor, I know you see me lookin' at you and you already know i wanna love you (love you) . . . . . . " pag sabay ko sa kanta habang sumasayaw.
tumingin ako sa pwesto ni Damian at agad akong natigilan ng makita ko ang mukha nya, hindi ko alam pero agad akong kinilabutan.
"You know what, if he just playing with you. Then play with him too, play the player, Gia" agad akong nabalik sa wisyo ng bumulong sa'kin si Diego atsaka nya ako pinaharap sakanya.
"You can use me if you want"
"D-diego . . . . . . . . . " Agad akong napalunok ng ilapit nya ang mukha nya sa'kin, hindi ko alam kung bakit hindi ko sya magawang itulak kaya agad na lang akong pumikit. Ramdam kung konti na lang mahahalikan na nya ako, pero agad akong nagulat ng bigla na lang may humila sa'kin atsaka ko narinig ang sigawan ng mga tao. Tumigil na rin yung kanta.
"Damian!" sigaw ko ng suntukin nya si Diego.
"Putangina! umawat nga kayo!" sigaw ko sa mga nanunuod dahil patuloy pa rin sa pag suntok si Damian.
"Shit, tumigil kana Damian!" awat ni Hiro kay Damian.
"Damn! bitawan nyo ako, hindi pa ako tapos sa gagong yan!" galit na sabi ni Damian habang patuloy na kumakawala sa hawak nila Denver.
"Tangina! Ano bang problema mo?!" sigaw ko sakanya habang nakahawak sa kwelyo ng damit nya.
tinignan ko si Diego at agad akong napa mura ng makita ko ang mukha nya, akmang lalapitan kona sya ng bigla na lang akong hinila ni Damian palabas.
"Punyeta! Bitawan mo nga ako!" pero ang gago parang wala siyang narinig dahil patuloy parin sya sa pag hila sa'kin.
"At bakit mo ba ginawa yun kay Diego?!"
"Tinatanong mo pa talaga kung bakit ko ginawa yun? Putangina! gusto ka n'yang halikan!" agad akong natigilan sa sinabi nya, pero agad rin akong natawa ng pagak.