Giana POV.
" B-bakit?" Naiilang na tanong ko sakanila, pagka gising ko sila agad yung nabungaran ko.
"A-Ano, may gusto kabang kainin?" Tanong ni krade.
"Sabihin mo lang bibilhan kita" Agad akong napangiwi sa sinabi ni troy, hindi ko talaga sila maintindihan e. Sobrang weird nila.
Kanina pa sila nakatitig sa'kin, kung kailan kailangan ko si seb saka naman wala sya dito. Akmang mag sasalita na ako ng bigla na lang bumukas ang pinto atsaka pumasok si denver at rios.
"Sa labas lang kami" Sabi ni henry, ayaw pa sanang lumabas ng iba, ang kaso masyado na kaming marami sa loob. Baka magalit ang doctor.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka bang masakit?" Sunod-sunod na tanong nya, kitang-kita ko yung matinding pag aalala sa mga mata nya habang chine-check nya ako.
Oo, may nararamdaman akong masakit. Masakit parin yung puso ko dahil sa impaktong yun.
Gusto ko sanang sabihin sakanya.
"A-Ayos lang ako, Ikaw kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko sakanya, pero agad akong napangiwi ng makita ko ang mga pasa sa mukha nya.
Ang tanga ko naman para tanungin sya, e halata namang hindi pa sya ayos e.
"Ayos lang ako, gusto mo bang balatan kita ng orange?" Agad naman akong tumango sakanya.
Agad akong napatingin kay denver ng umubo sya.
"Here" Sabay abot nya sa'kin ng tubig, agad ko naman tinanggap atsaka uminom.
"Ikaw? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya.
"Yeah, labas lang ako. Pupuntahan ko lang si Gian" Agad naman akong tumango sakanya.
Ng kami na lang ni rios ang natira ay agad akong napalunok, lalo na ng maalala ko ang huling pag uusap namin.
"Gia," Agad pa akong nagulat ng tawagin nya ang pangalan ko, narinig ko pa ang mahina n'yang pag tawa dahil sa naging reaction ko.
"Tungkol dun sa sinabi ko sayo, seryoso ako" Atsaka nya hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sakanya, masyadong magulo ang sitwasyon namin.
At isa pa may nararamdaman na'ko kay damian.
"R-Rios . . . . " Tawag ko sa pangalan nya, akmang babawiin kona ang kamay ko ng mas lalo n'yang higpitan ang pagkaka hawak nya atsaka nya nilapit ang mukha nya.
Nasa ganun kaming position ng bigla na lang bumukas ang pinto kaya agad kong naitulak si rios kaya agad siyang nahulog sa kina-uupuan nya.
"D-denver" Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nya, pero agad akong nag taka ng may makita akong kakaibang emotion sa mga mata nya.
Pain . . . . . . . . .
"WAHHH! BABY SIS! NANDITO NA ANG PINAKA POGI MONG KUYA!" Agad kaming napatingin kay gian na pumasok, pagka lapit nya sa'kin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.
"Alam mo bang grabeng pag aalala yung naramdaman ko?" At umakto pa s'yang naiiyak kaya agad na lang akong napailing.
"Ikaw baby, kamusta ang pakiramdam mo?" Baling nya kay rios, pero hindi sya pinansin ni rios at agad itong tumingin sa'kin atsaka nag paalam na babalik na sa room nya.