chapter 57.

1.6K 74 29
                                    


Diego pov.

"Asan si Gia?" tanong ko kay Damian atsaka ko sya sinuntok, agad din naman siyang bumawi ng suntok hanggang sa nag palitan na kami ng suntok



"Putangina! Bakit mo ba 'to ginagawa sakanya?!" alam kong mahal na ni Damian si Gia, kanina sinadya kong gawin yun para tignan kung tama ba ang hinala ko



"Ginagawa mo ba 'to dahil sa mga Martinez?" Agad naman siyang natigilan sa tanong ko. Tsk, tama nga ang hinala ko



"Tangina kung hindi mo sya kayang ipag laban sa mga Martinez, then ipaubaya mo na lang sya sa'kin!" wala na akong pakialam kahit mag mukha na akong desperado sa harap nya



"At tingin mo may magagawa ka?" atsaka nya hinawakan ang kwelyo ko, agad naman akong natahimik sa sinabi nya. Kilala ko ang mga Martinez, lalo na ang lolo ni Lucifer, masyado silang demonyo. Dati pa nilang gustong patayin sila Damian at Damon. At ngayon hawak na ni Damian ang organization ni Lucifer ay tiyak kong mas lalong madadagdagan ang galit nila kay Damian



Ipapaubaya kona sana si Gia dahil halata namang pareho silang may nararamdaman sa isat-isa e, pero sa nakikita ko parang hindi naman nya kayang ipag laban si Gia



Agad lang kaming natigil ng dumating sila Hiro at Denver "Nasaan si Gia?" tanong ni Denver, pero nilagpasan lang sya ni Damian


Pero hindi pa nakakalayo si Damian ng suntukin sya ni Hiro "Damn, where is Gia?" galit na tanong ni Hiro, pero nginisihan lang sya ni Damian atsaka nya sinuntok


"Shit!" mura ni Denver ng mag palitan na ng suntok sila Hiro at Damian, akmang aawatin na nya ng sumalubong sakanya ang suntok ni Damian. Agad din naman gumanti si Denver kaya agad na silang nag suntukan tatlo


"Tsk" agad na lang akong napailing atsaka lumapit sakanila, akmang susuntukin na ni Denver si Damian ng unahan ko sya


"What?" bored na sabi ko kay Damian ng samaan nya ako ng tingin "Tsk, hindi kita tinutulungan, gusto ko lang makisali sa gulo nyo" nakangising sabi ko sakanya


Pero agad din kaming natigilan ng may nag salita sa likod namin at pag lingon ko agad sumalubong sa'kin ang suntok ni Gian


"Fuck, nasaan si Gia?!" atsaka nya ako kinelyuhan, kitang-kita ko yung matinding galit sa mga mata nya. Akmang mag sasalita na ako ng bigla na lang dumating ang ibang section D.


Gian pov.

"Anong nangyare sa inyo?" takang tanong ni Krade

"Nasaan si Gia?" tanong ko sakanila


"Nauna na silang lumabas ni Seb, nagka gulo kasi kanina sa loob e" agad naman akong napamura sa sinabi ni Zander


"Nandito na pala si Seb e" agad kaming napatingin kay Seb, pero agad din kaming nagtaka ng makita naming hinihingal sya



"T-Tulong a-aso........... Gia" hinihingal na sabi nya, agad naman nag salubong ang kilay ko ng hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin



"Tarantado, tinatawag mo bang aso si Gia?" inis na sabi ni Akio


Huminga ng malalim si Seb atsaka ulit nag salita "Ganito kasi yun......" sabi nya atsaka nya kinwento samin yung nangyare, pagka sabi nya ay agad kumuyom ang kamay ko


pretending to be my brother (part two)Where stories live. Discover now