Sebastian POV.
"Oh, bansot bakit ang tamlay mo?" Agad akong napatingin kay krade ng akbayan nya ako.
"Miss kona si gia" Sabi ko atsaka tumingin kay denver "Denver, si giant naba ang papasok? Hindi na si gia?" Tanong ko kay denver.
"Si gia pa rin ang papasok hanggat hindi pa tuluyan gumagaling si gian" Sabi nya habang nakatitig sya sa cellphone nya.
Pansin ko lang kanina pa sya nakatitig sa cellphone nya habang nakangiti.
"Sana hindi na gumaling si gian" Pabirong sabi ni troy kaya agad s'yang binatukan ni henry.
"Pakiramdam ko in love na'ko" Wala sa sariling sabi ni akio kaya agad kaming napatingin sakanya.
"Tol, alam mo namang ayokong makipag espadahan diba? Pasensya kana pero hindi ka pwedeng ma-inlove sa'kin" Sabi ni krade na kunwaring nalulungkot pa.
"Ulol!" Mura sakanya ni akio.
"Pre, alam 'kong in love kana sa'kin, pero alam mong straight ako diba?" Gatong ni troy "Pero kung bibigyan mo'ko ng 10k baka pwede pa natin pag usapan, basta ba ikaw yung papasukan" Agad na lang kami natawa sa sinabi nya, lalo na ng makita naming malapit ng mapikon si akio.
"Dude, naiintindihan kita kung ma-inlove ka sa'kin. Sa pogi ko ba namang 'to, sinong hindi ma-iinlove? Pero pre hanggang kaibigan lang talaga" Sabi ni mikey habang nag pipigil ng tawa.
"Nag talo pa kayo e sa'kin naman talaga may gusto si akio, diba pre?" Sabi ni ryder.
"Tama na" Seryosong sabi ko kaya agad silang napatingin sa'kin.
"Oh, bakit?" Tanong ni zander.
huminga ako ng malalim atsaka tumingin kay akio "Pre, in love na rin ako sayo, matagal na" Pagka sabi ko ay agad silang natawa ng malakas.
"Gago, natuluyan na"
"Mga gago, tumigil na nga kayo!" Inis na sabi ni akio.
"Pero seryoso, ako rin pakiramdam ko na love at first sight ako kay gia" Sabi ni krade "nung magka titigan kami parang nagka roon ng paru-paro sa t'yan ko"
"Uod lang yan pre" Sabi ni raven kaya agad na naman kaming natawa.
Kung sabagay, ang ganda ni gia kaya hindi na ako magtataka kung magka gusto sakanya ang mga kaibigan ko. Siguro nga kung wala lang akong akisha, magkaka gusto rin ako sakanya.
Malapit na kami sa room namin ng matigilan ako, pakiramdam ko nag slow motion ang lahat ng nasa paligid ko habang nakatingin ako sakanya. Nabalik lang ako sa wisyo ng may tumapik sa'kin.
"Huli ka bansot! isusumbong kita kay hiro, sasabihin kong may gusto ka kay akisha" Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lester.
Akmang mag sasalita na ako ng tawagin nya si akisha atsaka nya ako inakbayan palapit kay akisha.
"Hi akisha, bakit ka nandito?" Tanong ni lester.
"M-May binigay lang ako kay kuya hiro" naiilang na sagot nya atsaka nya inayos ang salamin nya.
Putangina! Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nya.
"Paalis kana ba?" Agad naman s'yang tumango.