Aliana
"Bakit mo 'ko sinusundan?"
Halos mahulog ko ang cellphone ko dahil sa nagsalita sa likuran ko.
"Bakit mo 'ko sinusundan?" She asked again, but this time! Napaka seryoso na ng tono niya! haha, wait! Nanginginig ako!
"H-ha? A-ano? K-kasi..." Nabubulol ako.
"Gusto ko lang may malaman tungkol sa'yo! Bakit mo kasi sinabi na, hindi pa kita masyadong kilala, i mean oo, siyempre."
"Wala akong sasabihin sa'yo." Iyon lang ang sinabi niya at naglakad na, pero sinundan ko siya.
"Dali na! Hindi ako papayag na wala akong malalaman!"
Hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Mckenzie! Bilis na!"
"Mckenzie." Sumusunod pa rin ako sakaniya.
" Mj"
" Mj, hello?"
" Mckenzie, hii."
" Ano ba?! Ano ba gusto mong malaman at malubayan mo 'ko? Oh, nanay ko nag d-drugs. Kaya gusto ko makapag tapos na mataas ang mga marka, kasi ayaw ko magaya sakaniya! Si Papa nasa abroad, kasama ang kapatid ko! Masaya ka na ba?! Mali kwento ni Shane sainyo, pero tama siya na ng lalake nanay ko. Nag d-droga nanay ko, lasinggera, may bisyo. Ano pa ba gusto mong malaman? Lulubayan mo na ba ako ha?"
Bakas sa boses niya ang irita kaya medyo nagulat ako.
" S-sorry... H-hindi ko sinasadya na mainis ka." Nakatingin lang siya sa'kin.
" Lumuluha ka ba?" Tanong bigla nito.
" Sorry, kung may pagka makulit ako. Hindi lang talaga ako mapakali, gusto ko lang maraming malaman sa'yo, gusto lang kitang makilala."
" H-hoy! 'wag ka nga umiyak."
Mas lalong tumulo ang luha ko. " Eh sumisigaw ka kasi kanina...ayoko ng sinisigawan ako."
" Hindi na ako sisigaw, pwede ba, tumigil ka na sa pag-iyak, baka akalain ng iba rito sinasaktan kita."
Pinunasan ko ang pisngi ko.
"Para kang bata."
"May tanong pa ako." Mahinang sabi ko.
" Ano?" She asked. Kalmado na ang boses niya.
"Bakit hindi ka sinama ng tatay mo sa ibang bansa, bakit cold ka sa lahat? Bakit...bakit parang may galit ka sa mundo?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Hindi ako sinama ni papa, kasi gusto niya, makapagtapos ako dito ng pag-aaral. Hindi ako cold, ok! Naririnig ko kasi mga pinagsasasabi nila sa'kin, kaya nananahimik lang ako. Wala akong galit sa mundo, pero sa nanay ko meron. Malaki galit ko sakaniya. Nasagot ko na ba mga tanong mo?"
" Isa pa." Huminga siya ng malalim, hehe.
"Pwede maging kaibigan mo?" I asked.
" Bakit naman?" She asked.
"Gusto kitang maging kaibigan eh." Nakangiting sabi ko.
" Pag-iisipan ko." Maikling sagot niya.
Tumango ako at nagpaalam.
"Aliana!" Napatingin ako sakaniya.
" Magpasundo ka na riyan sa labasan. Delikado ro'n sa deretso, marami nag iinuman."
" Uy, may pake na siya sa'kin."
May sinabi pa siya pero hindi ko narinig.
"ha?" I asked.
YOU ARE READING
Mine
RomanceAliana Hiraya Arceta, also known as, Yana, Ali, Aya. Sslg President, academic achiever, journalist. Her family are famous, they are also rich, and helpful. Aliana's dream is to be a Doctor. But she also wants to handle their business. She's the smar...