3

2.5K 51 0
                                    

"Hindi pa ba kayo tapos?"

"Ay palaka!"

Napatingin kami kay... Mckenzie na naka sandal sa may puno. Kaya pala nalaman niya usapan namin kahapon!

"Siya! Siya 'yong mali-mali ang balita!" Agad tinuro ni Sarina si Shane.

"Hala, kwento lang naman kasi ni mama 'yon eh." Takot na takot sila kay Mckenzie, para namang kakainin.

"Sabihin mo sa mama mo, tigilan na niya pagiging chismosa niya." Tumayo si Mckenzie.

"Mj! Kanina ka pa namin hinahanap!" Napatingin kami sa nagsalita.

Uy, tatlo sila. Si Cole, si Gie, si Jhade na nagpapakulo sa dugo ni Sarina.

May dalang bola si Jhade. Basketball?

Nag b-basketball si McKenzie?!

Nasa dulo lang kami ng court, kaya kitang-kita pa rin sila rito.

-

"Putangina, nakita niyo balibag ni Mckenzie?! Ang layo no'n tapos na shoot pa niya!" Shane said.

Naglalakad na kami sa hallway.

" Si Jhade, parang tanga lang d'on." Natatawang sabi ni Sarina.

" Eh bakit ka ba kasi galit na galit kay Jhade, ate ko?" Melody asked.

"Wala lang, nakakainis lang buong pagkatao niya. Reasonable!"

" Bye na nga!" Nagpaalam na si Melody.

Nakadaan na rin kami sa STEM kaya ako na lang ulit ang mag isa.

"Mckenzie!" Sigaw ko, agad itong napatingin sa'kin.

"May tanong ako!" Nakangiting sabi ko.

"Ano nanaman tanong mo?" She asked me.

"Pa'no ka nakapunta kahapon d'on sa pinag sisigarilyuhan mo if nasa likod ka lang ng puno?" I asked.

"Akala ko ba matalino ka?" Hoy! Nakaka offend ha!

"I left after magkwento ni Shane, hindi niyo 'ko napansin 'no? Chismosa kasi kayo." Inirapan ko siya.

" Isa pa!"

" Ano?"

" Pwede lang tawaging Kenzie?" I asked, please! Pumayag ka na!

" Kung saan ikakatahimik ng kaluluwa mo."

" Sige! Bye, Kenzieee!" Nakangiti kong paalam.

"Aliana!" Napatingin ako dahil tinawag niya ako.

" Hmmm?"

" Thankyou sa breakfast kanina, masarap." Lalo akong napangit nung sinabi niya 'yon.

" Welcome!" Nakangiti akong pumasok sa room.

Close na kami, lols!

Please, wala muna sanang Lawrence. Maganda mood k-

"Hi!"

Ok, back to reality.

"Low" maikling bati ko at naupo sa upuan, alangang sa lamesa diba?

"Free ka mamaya?"

"Nahh."

"Bukas?"

"Still NO"

"Then...kailan ka free?" Kulit mo naman sis.

"I don't know."

" Mamaya nga? Gusto ka makita ni Dad."

Hala! Ginamit ang Dad card!

MineWhere stories live. Discover now