6

2.1K 59 0
                                    

Aliana

Sportfest.

"Whoaaaa!!! I shoot mo Gieeeeee!!" Sigaw ni Shane.

"Tangina mo! Nagliligawan pa lang ba talaga kayo?!" Sarina asked.

"Ulol! Inggit!"

Tahimik lang kami ni Melody na nanonood.

"Sino 'yong captain ball nila na 'yon?" Melody asked me.

"Cole Vergara, bakit?"

"Pogi, HEHEHEHE" i looked at Melody.

"Bading ka?" I asked her.

"Para sakaniya. Papirmahan mo nga 'tong polaroid, hehe." Kinuha ko ang inaabot niyang polaroid. Pagtingin ko ay picture ito ni Cole, ngayon lang 'to ah.

Paabot ko nalang kay Kenzie.

Tahimik lang akong nanonood sa gilid.

Nakakahiya naman kung nagsisigaw ako rito, Sslg President pa naman.

"Ms. Pres! Hanap po kay ni Mrs. Gomez!" Agad akong tumayo sa upuan.

Paglapit ko kay Mrs.Gomez ay nagsalita ito.

" Nak, isa ka sa mag aabot ng mga awards. Tapos ikaw na raw ang magsalita sa mic, babasahin mo lang 'yong mga message habang nahlalaro sila."

Hala?!

Pinapwesto na nila ako sa may mic. Jusko, pa'no ba 'to.

" Hello! Good Morning Colegio De Juan!!!" Masayang sigaw ko sa mic.

Ok, gan'to lang pala dine.

"Score update, 25 for Stem TEAM BLUE BOYS and 38 for Stem TEAM BLUE GIRLS!"

"Hi sa number 10 na jersey, kay Captain, pa kiss."

Kadiri naman oh.

"Mckenzie, galingan mo, kiss kita mamaya."

ANUERAW?!

Tangina, weird naman magbasa rito.

"Hi sa poging Abm student, Lawrence ba pangalan no'n, galingan mo beh!"

TANGINA TALAGA!

Maya-maya lang ay pinalitan na rin ako sa pagsasalita, jusko buti naman.

Pagkabalik ko sa bench, ay nanood lang ulit ako.

Pawis na pawis na si Kenzie.

Nag timeout sila kaya tinawag ko siya.

"Kenzie!" Napatingin siya sa'kin. Nagpaalam muna siya sa team niya.

Lumapit ito sa'kin.

"Why?" She asked me.

"Here." Inabot ko sakaniya ang bimpo at tubig.

"Thanks!" Tumakbo siya pabalik sa team niya.

"Kapag ako hindi mo inabutan ng tubig sa volleyball mamaya." Pagbabanta ni Melody kaya natawa ako.

-

Kenzie team won.

But now, ako naman ang kinakabahan dahil ako naman ang nakasalang dito sa court.

Hinga, Aliana.

Napatingin ako sa crowd, at nakita ko sila sa bench.

My friends are watching.

"Serving, from Abm Green."

Si Dalia na hindi ko naman kilala ang kalaban ko, from Abm din.

"Start pa lang ng game, pero grabe na ang rally ha!"

MineWhere stories live. Discover now