13

2K 57 2
                                    

Here's my twitter if may tanong kayo or gusto niyo kaaway!

Twitter: maxxaiah

Search "maxxaiah" instead "meyomeyomeyo" triny ko isearch, walang lumabas hehe.

Aliana:

"Good morning!"

"Aga mo ah." Nakangiti kong sabi kay Kenzie.

"Para sa'yo!" Inabutan niya ako ng Tupperware.

"Aba, aba! Dumadamoves ka na ha!" Pang-aasar ko.

"Ako na 'to eh."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sige na sige na! Pumasok ka na sa room niyo! Thankyou ha!"

Nagpaalam na siya.

Dumeretso naman ako sa room na may ngiti.

Makikita ko nanaman si Lawrence, wow! Sana hindi masapak.

Pagkaupo ko sa upuan ay binuksan ko ang Tupperware.

OMG!

BEEF STEAK!

Ahhhh!! Favorite kooo!

Napangiti naman ako bago ko itabi 'yon.

JANSIADJWNISA Iba na siya! Parang no'ng nakaraang araw lang eh lego na flowers pa binibigay, ngayon pagkain na!

-

"Omg! Haggard no more! Dahil matatapos na ako sa STEM!" Sarina said.

" Boang, College pa jud." Melody said.

" Ano ulam mo teh?" Shane asked me.

" Beef steak! Luto ng baby ko." Mayabang na sabi ko.

" Una sa lahat, pake ko? Pangalawa, sana all." Melody said at tinusok ang manok na ulam niya.

"Parehas kaming tanga magluto ng baby ko." Bored na sabi ni Shane.

" Hello! Pwede makitable?" Cole asked.

I saw Kenzie kaya medyo umusad ako.

" Oo!" Shane answered. Mabilis pa sa mabilis.

pagkaupo nila ay nag share-share pa ng ulam.

"Hindi naman obvious na iisa nagluto sa ulam ng dalawa." Jhade said, napatingin sila sa pagkain namin ni Kenzie.

"Tanga ka lang magluto." Pagpatol ni Kenzie kaya natawa kami.

"Hindi ata magkaaway si Jhade and Sarina" Napansin ni Shane.

"Mahiya naman siya sa pagkain. " Pang-aasar ni Jhade.

" Ikaw mahiya sa pagmumukha mo. " Bawi ni Sarina.

" Tarantado ka kasi, Shane! Bakit mo pinansin." Hinampas ni Melody si Shane.

Habang kami ni Kenzie at Gwy ay tahimik lang na kumakain.

"Gusto mo? " Kenzie asked me. Napatingin ako sakaniya. Inaalok niya 'yong inumin niya. Chocolate drink.

Uminom naman ako sa straw.

Hala, nabigla ko ata siya.

"Iinom na 'yan oh, iinom na 'yan! Kiss daw!" Pang-aasar ni Cole.

"fuck you! " Inis na sabi ni Kenzie pero uminom din sa straw, pabebe naman.

"Talandi! Talandi! Whooaaaa! " Sigaw ni Sarina.

"First kiss 'yarn?!" Natigil ako sa pagsubo ng steak, maging si Kenzie sa pag inom.

"babaero ka lang eh." Pag iba ng topic ni Kenzie.

MineWhere stories live. Discover now