1

5.3K 84 0
                                    

👀

Aliana

"Si Mckenzie nanaman pala rank 1 'no?"

"Taray naman."

"Uy, totoo! Nag congrats ako kanina, tapos tinignan lang ako!"

"Ako nga hindi pinansin eh."

"No'ng kinausap ko nga nakakunot pa noo."

Habang naglalakad ay puno ng chismis anf naririnig namin.

"Ano ba meron sa Mckenzie na 'yon? Hindi ko nakikita 'yon dito. " Pagsimula ni Shane.

" Well, ang usap-usapan eh, masama raw ang ugali, ma-attitude. " Sagot ni Melody.

"Kahit anong paninira gawin nila, matalino pa rin siya. " Shane said.

" Ikaw ba teh? Sslg President ka ah. " Napatingin sila sa'kin.

" Nakikita ko siya minsan sa office. Pero mukhang wala naman siyang pake sa nangyayari sa mund-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil may nagsalita sa likuran ko.

" Are you all done talking about me? " Halos manghina ang tuhod ko nang makita kung ga'no siya kalapit sa'kin.

Gosh, her red hair... Siya lang ata nakita kong pula ang buhok dito.

"H-ha? No! I mean, we're not backstabbing you or what. We're... we're just curious about you! We heard a lot, kasi." Sagot ko, dahil ang tatlo sa likuran ko ay parang na zipper ang bibig.

She just nod, and dumaan sa harapan ko.

"Bago 'yon ah?" Shane said. "Kapag nakarinig 'yan na may nag uusap tungkol sakaniya, jusko, e-englishin pa, tapos tuturuan ng GMRC. Tapos, 'Sana alam mo kung kailan itatahimik ang bibig.'" kwento ni Shane.

"What if gusto niya si Ms. Pressy? Yiee!!" Pang-aasar ni Sarina.

"Oh! Shut up!" Inis kong sabi.

"What?! She's academic achiever, super duper smart, maganda, sporty, hindi man kayamanan and wala mang pake sa mundo. Pero mabait naman 'yon!" Shane said.

"Eh parang kilalang-kilala mo eh!" Melody said.

"Oo, kilala ko 'yan!" Confident na sabi ni Shane.

"Tara sa tambayan natin." Aya niya.

Pagkarating namin sa tambayan ay nagkwento na si Shane.

"Ganito kasi 'yan. Alam kong hindi ko dapat kwinekwento 'to, kasi hindi ko naman buhay. Pero sainyo ko lang sasabihin 'to ha! 'Wag na 'wag niyo ipagkakalat! Kapitbahay ko siya. . Araw-araw nagsisigawan sa bahay nila. Madalas may pasa siya. Pero napakabait niya! Madalas nakikita ko siya na hinahatian ng pagkain mga hayop sa tapat ng bahay nila, kahit kakaunti na lang pagkain niya. May bunso rin siya na kapatid, kaso kinuha ng ama nila. Nanay naman niya, naghanap ng ibang lalake. Kaya ngayon, mag-isa na lang siya na namumuhay sa kanila. Kaya ganiyan ang aura niya, na parang walang pake sa mundo, dahil, una kinuha ang kapatid niya ng ama nila, parang iyon ang lakas ni Mckenzie eh. Pangalawa, iniwan siya mag-isa ng mga magulang niya. Understandable naman diba, kung bakit siya ganiyan ka cold."

We all nod.

"Grabe...eh pa'no siya nagkakapera?" Sarina asked.

" Ay, iyon ang hindi ko alam. Pero ngayon naman eh medyo may kaya na siya."

Napatango na lang ako.

Nagpaalam na rin ako sakanila dahil kailangan kong bumalik sa klase.

Iba-iba ang strand namin.

MineWhere stories live. Discover now