1 | Nice To Meet You

2 0 0
                                    


Lilitiah POV

"Lilitiah!!"

Hingal na hingal na ako. Kanina pa kasi ako tumatakbo. Madilim ang paligid, Tila ang mga posteng ilaw lang ang meron na ilaw dito. Asan ba ako?... Tumingin ako sa likod ko habang tumatakbo, pero wala akong nakita kundi dilim. Tulong... Tulong! Ayoko na dito!

Bigla akong napahinto. Biglang tumigil yung katawan ko. Tumingin ulit ako sa harap at laking gulat ko na may isang malaking salamin sa harap ko.

".. Do you see yourself? Honey?"

Tilang may bumulong sa tenga ko, biglang tumaas ang mga balahibo ko. Napangisi naman ako.

"..Look.. Do you see who you are?.."

" A black long hair.. A dark brown eyes that almost been death.. Your lips... You face is so common. Your skin... Your Tan skin, Isn't called.. Morena?.."

Bulong nito na parang tila ba pino-point out ang sarili ko. May mga sinabi pa siya pero hindi na ako nakinig, ngunit ngumiti nalang ako.

".. You, You have to be perfect.. For them!"

"Lilitiah! YOU MUST BE PERFECT! LOOK, SAM LOOKS PRETTIER THAN YOU!!... Do you think you can outcome her?..."

Huminga ako ng malalim, Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sarili ko lang ang nakikita ko, At hindi ko makita ang bumubulong sakin kasi alam kong wala ito. Pero Kilala ko kung sino 'to.

Si Mama..

Tinignan ko ulit yung mukha ko.. Pero napangiti ako. Naka-ngiti ako habang tinitignan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako ngumi-ngiti pero .. basta nalang ginawa ng sarili ko.

"Lilitiah?.."

Nagising ako sa isang yugyog ng katabi ko, Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Maraming tao, Maingay, Nag kwe-kwentuhan. Hays.. Nasa Room pala ako. Tumingin ako sa katabi ko, Kita ko ang alala sa mukha niya.

"Okay ka lang?.." Bulong nito.

Binigyan ko siya ng ngiti at sumagot na, "Oo!.. Okay lang ako!"

Nginitian niya naman ako at tumango. "May sasabihin sana ako sayo kaso nakita ko naka yuko ka.. uh tulog kaba? hindi sana ako naka istorbo sayo.." Sabi nito.

"Ah hindi!.. ah ano nga ba yung sasabihin mo?.." Saad ko.

".. Pinapatawag ka kasi ni Sir Reyes sa Faculty." Sabi ni Lyn, Ang Vice President ng classroom namin.

"Ako?! Hala bakit daw? huhu" Kita ko na napangiti ko siya, Dahilan na mapangiti rin ako. Nag kibit balikat siya at tumayo nalang ako. Tumango ako sakaniya at nag simulang mag lakad palabas ng room.

Hays. Nakakatamad na 'to ha! Ayoko na maging President ng section na yun! Sino ba naman matutuwa sa mga demonyong yun!... hehe char, mga loves ko yun!

Anyways, Oo ako ang President ang Section namin. Ewan ko ba't ako eh, basta pumasok ako one day bilang student tapos pag uwi President na. Hays.. Nag lalakad ako sa hallway, Ngini-ngitian ko ang mga nakakasalubong ko na kilala ko. Pero like hindi naman yung ngiti tapos hindi tapos ngiti! Syempre naka ngiti ako habang nag lalakad parin! Kumakaway ako sakniya... Sa mga kakilala ko! huhu

Habang nag lalakad nakita ko si Angelo, Palakad din papunta sakin. Nginitian ko siya ng makita ko na may bitbit siyang papel.

"Oh~ Ano ginagawa ng Secretary namin" Sabi ko ng tumigil ako sakaniya, tumingin ako sa papel na hawak niya at nag salita ulit. "Ano yan?" Tanong ko.

Ramdam ko na nakatingin siya saakin at nag salita. "Ah.. Mga idi-distribute ito, Mga papel natin sa Science, Test to be specifically." Sabi na na agad akong napatingin. Tinignan ko yung mga mata niya na parang gulat na gulat.

My Synesthesia Where stories live. Discover now