5 | A friend

1 0 0
                                    

"So parang Liit ang nickname mo without the L?.."

Nakita kong napangisi ito at napa-tawa. Aba! Anong Liit!? Ha! Inirapan ko siya ng binalik ko ang tingin sa mga sasakyan.

"Anong liit!? Wag mokong inaasar ah! matitikman mo ang kamao ko!" sigaw ko sakaniya, binalik ko ang tingin ko sakaniya at nakita ko na napangiti ito.

Tumango-tango siya dahilan na mas mainis ako. UGHH.

Dahan-dahan nawala ang araw sa tinatayuan namin, Itinaas ko ang tingin ko sa ulap at kita ang kulimlim. Shet, Uulan na ata- AT WALA PA AKONG PAYONGGG!! BWISIT NA ULAN 'TO!!!

Napapikit-pikit nalang ako ng nag simula na nga mag sihulog ito. Tinaas ko ang kamay ko upang maramdaman ang ulan, pero mas lalong lumalakas ito. Pumatak na ang ulan at narinig ko ang sigawan ng ibang tao na nag-lalakad sa paligid namin.

Ikinagulat ko naman na bigla akong hatakin ni Sky patungo sa 7/11. Buti nalang at may shelter, hindi maabot ang ulan dito.

Pinanood ko ang ulan na pumatak sa mga lupa, Ang ulap na sobrang dilim. Hays.

".. I'll just.." narinig ko siyang bumulong kaya napatingin ako sakaniya na siya ring nakatingin saakin. "..Bili lang akong payong para saatin."

Napangiti ako at tumango. "wala ka ring payong?" I saw he shake his head and I watch him as he enter the 7/11 again. Nabalik ang tingin ko sa harap. Hays, Mukhang matagal-tagal pa titila itong ulan.

"Here.." Ilang minuto ang lumipas at andito na ulit siya sa tabi ko, binibigay ang isang payong. Nginitian ko siya at kinuha ito.

"Salamat.. You know I can just buy this.. Utang nanaman ako sayo" bulong ko. "How much?" habol ko.

"No, it's fine.. Desisyon ko 'yan, so don't bother." Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinignan siya. Binuksan ko ang payong at nag simulang mag-lakad ng ilang hakbang.

Pero huminto ako at lumingon sakaniya ng makita na siya siya gumalaw.

"Hindi kapa ba aalis?" tanong ko.

"..Ito na nga.." Narinig kong bulong niya, dahilan na mapangisi ako. Binuksan niya ang payong at nag-lakad sa tabi ko.

Sinamahan niya akong mag lakad. Kalahating minuto na ang lumipas at naramdaman ko siyang tumigil kaya't napatigil rin ako at tinignan siya.

".. I need to take turns now." Sabi niya ng makita na nasa kanto pala kami ng daan at nakita ko na may pa kanan at kaliwa, Patungo ako sa kanan kaya siguro ay siya ay sa kabila.

I smiled as I nodded, "Salamat sa pag-sama!" Sabi ko at nag lakad na, Malayo pa ang bahay namin mula sa nilalakad ko. Ramdam ko naman na nag lakad na rin siya kaya hindi na ako nag abala.

•••

Sky Luis Altas

Bumalik sa isip ko ang pangalan niya, Nakatulala lang ako sa harap ng TV.. sayang sa kuryente shet. Tinitigan ko ang orasan sa taas nito at naka na it's already 7:25 pm. Tumayo ako at nag lakad patungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at wala akong nakita na makain.

Napabuntong hininga ako at nag tungo nalang sa rice cooker, binuksan ko ito at naamoy ko na panis na. AUGHHHH MYGOSHHH Dali-dali kong inayos ito, nilagay sa strainer at itinapon.

Napabuntong hininga ako habang naka-tingin sa buong kusina. I was leaning against the counter as my arms crossed in my chest. Wala akong makain.. Isip ko. I also look around the house, it's quiet and peaceful. Wala rin pala si Dad.. Tumingin ako sa bintana at nakita ko na umuulan pa rin.

Napa-isip ako kanina na mag order nalang ako ng Food kaso nakaka-awa ang mag dedeliver kasi ang lakas ng ulan, baka ma aksidente na ito.

HAYS! WAG NA NGA LANG KUMAIN!!!

My Synesthesia Where stories live. Discover now