Mabilis lumipad ang mga araw ko. Natapos ang Research, Ang El fili Project, Ang cheer dance, at iba. Sobrang nakaka-stress pero kinaya!
Sobrang bilis na parang tila ba kahapon.. umiiyak ako dahil kung paano ko tatapusin ang mga mga gawain. Ngayon, Iiyak ako dahil tapos na ang journey na ito.
Oo, Masaya pero hindi ko parin maiwasan na makaramdam ng lungkot.
Tumingin ako sa paligid, lahat ng 4th year batch nandito. Suot lang namin ang uniform. Nakita ko si Lyn, Ngumiti siya saakin.
Lumipat ang tingin ko sa stage. Tapos na ang program and andito parin ang mga students. Taking picture and everything. Tinitigan ko ang stage at nakita na may mga students doon, hindi ko mapigilan na maisip ulit.
Zhylyn Aki Vesqalia
-With High Honor with the Average of 95 of Grade 10 LightEvan Angelo Arellano
-With High Honor with the Average of 96 of Grade 10 LightLilitiah Austria
-With High Honor with the Average of 96 of Grade 10 LightSky Luis Altas
-With Highest Honor with the Average of 98 of Grade 10 RayNgumisi ako, tatandaan ko ang araw na ito. Ang araw na nakilala ko sila.
Mag isa akong nakatayo dito, wala pa si Papa pero sabi niya ay dadating siya. Umakyat ako sa stage ng mag-isa.. Kanina pa ako makapali dahil wala pa siya. Hindi ko alam ang dahilan pero naiintindihan ko.. Baka may mas important na nangyari sa work kesa saakin.
Pilit kong ngumiti habang nilibot ang tingin. May nakita akong kilala ko, nakakita ako ng maraming mukha.
Nakita ko si Lyn na kasama ang mga pamilya niya. Nag pi-picture sila kaya ang lalaki ng mga ngiti nila.
Sunod naman na nakita ko si Angelo, Niyakap siya ng Mama niya habang ang tatay niya ay nasa likod, bitbit ang kapatid na maliit.
Habang lumipat naman ito sa isa pang lalaki, Si Sky. Nag tatawanan sila ng mga kaibigan niya. Kahit mahiyain ay tumatawa siya, Nag pi-picture sila. Matapos ay pumunta ito sa isang matanda.. Lola niya, Niyakap ito ni Sky at gayun din ang ginawa ng Lola niya. Ngumiti ako sa nakita ko, pinakita ito ni Sky sa Lola niya nang hawakan niya ito. Nag tawanan sila.
Nakita ko na umangat ang ulo ni Sky at tila umikot para may hanapin. Nang muntik niya na ako makita na naka-tingin sakaniya, inalis ko kaagad ang tingin ko.
Kinuha ko ang phone at mag lalakad na sana paalis pero sumigaw si Sky. Malayo ako sakanila, mga 7 steps away from them.
"Liit!!" Tumigil ako. Lumingon ako sakniya.
Nakita ko na hinawakan niya ang Lola niya at mabagal silang nag-tungo saakin. Binalik ko ang phone ko sa bulsa ko at ngumiti ako habang inaantay sila.
"La, si Liit po- Ay Lilitiah po." Sabi ni Sky habang naka-tingin sa Lola niya at lumipat ang mata saakin.
Ngumisi ako at niyakap ang Lola niya, "Magandang Tanghali po, Lola." Sabi ko at humiwalay suot parin ang ngiti.
"Ikaw ba si Lilitiah, Hija?" Tanong ni Lola at ngumiti ako't tumango.
Tinitigan ko ang mukha niya, Ang may mga puti niyang buhok at wrinkles na mukha. Pero hindi iyon nabigo na ipakita ang malambot na ngiti nito. Binaba ako ang tingin sa suot niya, isang baby pink v-neck t-shirt, at isang cream long skirt at brown doll shoes.
"Ang ganda niyo po, Lola" Bati ko.
"Jusko! Ito naman!" tumawa siya kaya't napa-tawa rin ako. "Lola Sun nalang ang itawag mo saakin." sabi nito at tumango ako.
YOU ARE READING
My Synesthesia
RomanceLilitiah Austria, She's don't know what's journey ahead of her, but she just go with the flow. During her 4th year high school, She never expect to met a guy, A girl with full of flaws but just smiled with it, Never thought of being loved. She accep...