"Ngayon na gaganapin?"
Tumingin ako kay Dad mula sa Large Mirror na nasa harapan ko. Ngumiti ako at tumango.
"Yes, Papa"
Tumingin ulit ako sa sarili ko. Suot ang White tank top and black pants. I will also bring a blue pastel long sleeve button down. Pero sa ngayon ito muna ang isu-suot ko.
"Hatid kita, Nak?"
Tumingin ulit ako kay Papa and binigyan siya ng ngiti.
"Dad, Hindi na po.. Salamat pero alam kong late kana" Marahan akong tumawa. It's 7 am, and alam ko late na si Papa.
"Pasensya na Lilit Ha.. Sunduin nalang kita mamaya ha! Ica-call kita!"
Tapos nun ay sumarado na ang pinto, ngumisi ako at tinignan ulit ang sarili ko. Wisdom of Sage Haven Academy o WSHA, ang paaralang dadalhin ko. Kailangan taas noo ukol dito.
Nasa balikat ko ang tote bag ko na laman ang ibang gamit ko. Bitbit ko ang 30x40cm na Canvas, nag simula na akong maglakwartsa. Ni-lock ko ang pintuan at nag simulang mag lakad na.
Nag lakad ako hanggang nasa harap na ako ng kalsada, Dapat pala ay nag dala ako ng payong, napaka-init ngayon pa lang.
Pumara ako at sumakay, Sinabi ko sa driver ang location ng competition.
It was an 20 minute drive. Buti nalang ay mga 8:30 ang ganap ay kung hindi ay late na ako.
Nakita ko na maraming tao rito, may mga iba't ibang students dito. Tumigil ako at kinuha ang id ko sa tote bag, required kasi.
Nag simula akong maglakad patungo sa entrance, Pero natigil ako ng may nahagip ang mata ko.
Sky?!
Nasa tabi siya, May taong nasa harap niya ngunit hindi ko mamukhaan kung sino, babae ito at dahil sa tangkad ni Sky ay nagmukhang maliit ang babae sa harap niya.
Kita ko na nakakunot ang noo nito pero mukhang kalmado ang itsura. Pero ang babae sa harap niya ay hindi ko talaga alam, naka braids ang buhok nito at naka cap, tsaka nakaharap siya kay Sky kaya't hindi ko talaga ma mukhaan.
Nakasuot si Sky ng white tee and grey short, samantalang ang babae ay nakasuot ng Yellow tank top and maong short at yung cap niya ay kulay puti.
Kita ko na umiling ang babae at unang umalis ito, sinundan lang ni Sky ang tingin ng babae. Umiling na lang rin ako at nag simula mag lakad ulit. Kaso wala pa sa loob ay may tumawag na saakin.
"Liit!"
Tumigil ako at alam ko na kung sino ang tumawag saakin. Bumuntong hininga ako at lumingon sa lalaking hingal sa harap ko.
"Sky.."
Bulong ko na nakatitig sakaniya, bigla akong ngumiti sakaniya upang hindi awkward tignan.
"Uy, Sky! Kanina kapa? Ano't napa-punta ka rito?" sabi ko.
"It's your competition right?" sabi nito na parang hindi pinansin ang sinabi ko.
Tumango ako at ngumiti. "Yeah.. Why? how did you know?"
"..Goodluck.. Don't be pressure, just be yourself."
Napalunok ako sa sinabi niya, ngumisi ako sakaniya at tumingin sa mga mata niya. Hindi kona pinahaba ang usapan dahil kailangan ko pa mag register sa loob, sinabihan niya ako na sasama daw siya pero sabi ko wag na.
Nag lakad ako sa loob-oo, nasa likod ko siya nakabuntot. Pumunta ako sa maliit na table sa table once you enter, andun si Ate na siguro ay staff. Ngumiti akong lumapit.
YOU ARE READING
My Synesthesia
RomanceLilitiah Austria, She's don't know what's journey ahead of her, but she just go with the flow. During her 4th year high school, She never expect to met a guy, A girl with full of flaws but just smiled with it, Never thought of being loved. She accep...