Infernus Tormentorum: Indicium

89 2 2
                                    

Magkakaibiga'y naglakbay sa bayan ng Sangriento
Isang lugar na kalakip ay hiwaga't misteryo
Bawat isa'y mangmang sa nakakubling sekreto
Maging sa naghihintay na panganib na kalakip nito

Isang karnabal doon ay natagpuan
Infernus Tormentorum, patok sa madla
Dala ng pagtataka'y nakipag-unahan
Upang matuklasan bakit lahat dito'y namamangha

Hindi napansin dahil sa labis na kasabikan
Mga matang nakamasid sa kanilang mga bagong salta
Bawat kilos nila'y sinusundan
Mga ngisi sa labi nito'y matutunghayan

Sa likod ng rehas, tao'y nakaupo't may piring sa mata
Iba't ibang uri ng patalim ay nakalatag sa mesa
Maestro'y gumalaw ang kamay at kumuha ng punyal
Kumumpas ang kamay, dugo'y dumanak

Kaawa-awang nilalang, nakatikim ng pitik ni Kamatayan
Kanyang nakabibinging pagpalahaw ay umaalingawngaw
Mga manonood ay nagsipalakpakan, sa obra-maestrang pagtatanghal
Akala'y isang palabas lamang, lingid sa kaalama'y katotohanan na pala

Mga mata ng bagong salta'y namanhid sa karahasang nakita
Natiyak na walang sinuman ang makaiiwas sa kamatayan
Akala'y kaligayahan ang paroroonan
Sa impyerno pala ang huling hantungan

Bawat hakbang, bawat lingon, bawat takbo, nagdudulot ng sindak
Sa magkakaibigang tagaktak na ng dugo't pawis ang katawan
Walang ibang hangad kundi maisalba ang buhay
Iniisip na sana'y panaginip lamang ang lahat

Hawak-kamay, hiling ay kaligtasan ng bawat isa
Ngunit kaisa-isang tanong ang pumukaw sa lahat
Matatakasan pa kaya, bangungot na nararanasan?
O tuluyan ng mahuhulog sa bitag ni Kamatayan?

***

Key Vocabulary Words:

"Indicium" is a Latin word meaning "indication" or "sign," commonly used to describe evidence, clues, or indications crucial for understanding or discovering something.

"Sangriento" is a Spanish word which means "bloody" or "gory," typically used to describe situations involving violence or bloodshed.

"Infernus Tormentorum" is a Latin phrase which means "Hell of Torments," portraying a place of intense suffering, agony, punishment or physical torture. "Infernus" refers to hell or inferno, often linked with fire and punishment, while "Tormentorum" signifies extreme pain or torment.

Infernus Tormentorum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon