II: Free Tickets
Rly's POV
"Shit!"
Sinamaan ko ng tingin si Louriz na tawang-tawa dahil sa ginawa niyang paggulat sa akin.
"Kanina pa kita tinatawag na pumasok sa loob pero 'di mo ako pinapansin. Ano ba 'yan?" pagtukoy niya sa papel na hawak ko. Bago ko pa masagot ang kanyang tanong, kinuha na niya 'yon sa akin. Halos umikot ang mata niya dahil doon.
"C'mon Rly! Nandito tayo para mag-enjoy," nilukot niya ang papel at tinapon sa trash can na nasa gilid ng store. "hindi para maghanap ng taong nawawala," sarkastikong sambit niya. Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang makapasok kami sa loob ng convenience store, dumiretso si Louriz sa isang bahagi kung nasaan ang mga drinks samantalang hinanap ko naman agad ang mga favorite snacks ko.
Naalala ko bigla 'yong babaeng nasa missing poster. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang dahil doon. Sa tingin ko, hindi na talaga dapat kami tumuloy sa pagpunta sa bayang ito tulad ng suhestiyon ni Angel.
"Ayos ka lang?" kumabog ang dibdib ko nang marinig ang kanyang banayad na boses. "Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig sa'yo ng lalaking 'yon," pagtukoy niya sa manyakis sa labas ng convenience store kanina.
Nilingon ko si Angel na may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha. Tumango ako bilang tugon at ngumiti nang matipid.
"Good to know," pinisil niya ang kanang pisngi ko at nagpakawala ng matamis na ngiti. Muli, kumabog ang dibdib ko, mas mabilis kumpara kanina. Wari ko'y nangangamatis na ang mukha ko dahil ramdam ko kung gaano kainit ang pisngi ko.
Napansin 'yon ni Angel dahil tinitigan niya akong mabuti habang nakakunot ang noo.
"Are you sure you're really okay?" tanong niya sa akin sabay lapat ng kanyang kamay sa aking noo. "Namumula ka."
Blushing? More like it. Napakagat ako sa aking labi. Bakit ganito ang nangyayari sa tuwing malapit sa akin si Angel? Nakakainis.
Marahan kong tinabig ang kanyang kamay. "Don't worry, I'm okay," sambit ko at pilit na tumawa.
Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lamang na kumuha ng snacks. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Angel really looks like a fuckin' angel. Ito na naman ang nagririgodong tibok ng puso ko.
"Pwede ba akong magtanong?"
"Well, nagtanong ka na," nginisian ko siya.
He chuckled. "Alam kong hindi mo magugustuhan itong itatanong ko sa'yo," huminga siya ng malalim, tila nagda-dalawang isip kung ipagpapatuloy ba ang sasabihin. "It's about you and Reina."
Sumikip ang dibdib ko dahil sa galit na unti-unting bumabalot sa katawan ko. "Oh, that selfish brat?"
"Hindi na ba talaga mababalik sa dati ang samahan niyong dalawa?"
BINABASA MO ANG
Infernus Tormentorum
Horror"What death taste like?" May pitong magkakaibigan na nagtungo sa bayan ng Sangriento. Dito, natagpuan nila ang Infernus Tormentorum-isang karnabal na patok sa madla. Ito ay may kakaibang pagtatanghal: ang mga tao ay humaharap sa kahindik-hindik na k...