Kabanata 4

108 6 3
                                    

Kabanata 4

Janitress

Ayaw kol! bata pa 'ko kol!

Hindi natuloy dahil nang gawin niya 'yon ay mabilis rin akong kumalipas ng takbo palabas ng kusina.

Halos malagutan na ako ng hininga nang palabas na sana ako ng restaurant ay 'saka ko pa naalala 'yong bag ko na nasa loob ng locker. tangina sa third-floor pa 'yon!

Hindi ko puwede iwan 'yon dahil paano ako uuwi? nando'n ang pitaka ko! alangan namang maglakad ako!

Baka abutin ako ng umaga bago ako makarating sa bahay kapag ginawa ko 'yon.

Kahit na unti-unti ko ng nararamdaman ang takot, buo ang loob ko pa ring inatras ang hakbang 'saka wala pasabing kinalipas ng takbo papuntang taas.

Bahala na kung sinong demonyo ang makaharap ko pababa!

Gusto kong matawa habang hinihingal na inaakyat ang hagdan. ang lakas ko pa kanina ha! in fact, ni isang takot at kaba ay wala ako naramdaman nung kaharap ko siya.

Pero nung gawin niya 'yon? puta.

I can't!

Hindi niya naman na kailangan patunayan sa 'kin na malaki 'yong kanya. sa umbok pa lang kanina ng suot niyang pantalon, sapat ng katunayan 'yon na daks siya.

Katakot.

Tite lang pala ang makakapag-pauwi sa 'kin ng bahay.

Nang marating ang locker room, mabilis kong binuksan ang locker ko at halos hindi ko makilala ang sarili sa sobrang pagmamadali na ginagawa.

Muntikan ko pang masira 'yong pinto ng locker ko. mabuti nalang ay tumama lang ang bakal nitong pinto sa kabilang locker.

Parang tanga naman kasi si Mr. Villega. nagbibiro lang naman 'yong tao eh!

Hindi niya naman ako kailangan takutin nang ganito. alam ng takot ako sa Cobra!

My words became silent, napahinto rin ako sa ginagawang pag-iisip nang makarinig ng kung anong yapak mula sa labas ng silid. palakas ng palakas ang ginagawang yapak ng taong may kagagawan non.

Nagpapahiwatig na papalapit na ang taong gumagawa ng ganong klaseng tunog. hindi pamilyar ang mga naririnig kong yapak pero sapat na 'yong dahilan upang isipin ko kung sino ang may gawa non.

Tangina, ito na ang huli? magpapaalam na ba ako sa pamilya ko? tawagan ko kaya si Aila? baka ito na ang huli naming pag-uusap bago ako tirahin ni Mr. Villega at wasakin ang bahay bata ko.

Ang sakit siguro non!

"Akira? nandito ka pa?" gusto ko ng masuka sa sobrang kaba nang biglang bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Ma'am Janice. may bahid rin ito ng pagtataka. nagulat siguro siya dahil mag-a-alas syete na ay narito pa rin ako.

Halos wala na kasing ilaw sa buong third floor. nakakapagtaka nga. ganito pa talaga sila rito? parang old haunted house!

"P-Paalis na rin po ako," taranta kong sabi. kung alam niya lang kung gaano ko siya ka gustong yakapin ngayon.

She's my savior. niligtas niya ako mula sa taong sisira ng kiffyla ko.

akala ko ay kung sino na 'yong malakas na yumayapak sa labas kanina. I'm so thankful na sandals niya lang 'yon!

Nag-aalala niya akong tinanguan habang may bahid ng naudlot na tanong sa kanyang expression.

Sa palagay ko ay hindi siya naniniwala. Sino ba naman ang hindi?

That Billionaire Hates MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon