Kabanata 11

116 5 0
                                    

Kabanata 11

Eyes

Sari saring emosyon ang nararamdaman ko habang tahimik na kumakain. 'yong trainee na sinabi kong tahimik? mukha na kaming magkapatid dahil talagang pinantayan ko ang pagiging tahimik niya!

I swear, ito na ang huling beses na sasabay ako sa kanilang kumain. pati kay Aila na hindi ko alam kung saan humugot ng kakapalan ng mukha! feeling close amputek! ni hindi man lang nag-dalawang isip, at talagang sa tabi ko pa pinaupo si Mr. Villega!

Hindi na nahiya!

I can act like there's nothing wrong and weird happening. pero hindi ko pa rin maibabaon ang katotohanan at ang nararamdaman sa kaloob looban.

Gustuhin ko mang umiwas at umalis nalang rito sa hapag, parang ang bastos naman kung gagawin ko 'yon.

Maayos naman siyang nakiusap. atsaka, boss namin siya. empleyado niya kami. siya ang nagmamay ari nitong lugar. kaya anong karapatan ko para gawin 'yon sa kanya?

Everyone is eating in a normal and as-usual manner. pinangungunahan 'yon ni Aila na kung maka akto sa harap ni Mr. Villega ay sobrang close!

Bahagya kong pinasadahan ng tingin si Mr. Villega na ngayon ay binabaklas ang dalang lunch box at iniisa isa ang paglabas ng mga laman no'n.

I watched him entirely. cute.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya malaya ko siyang napagmamasdan sa tabi kahit pasimple simple lang. minuto ang lumipas nang mapag-desisyunan kong kumain na rin at nang matapos na.

We have this lunch na parang hawak namin ang oras. confident ang lahat na hindi mahuhuli sa sariling mga trabaho dahil kasabay naming kumain ang may ari.

Aila is now hosting, nagbabato siya ng mga joke na paminsan minsan ay sinasabayan ko ng tawa para bawasan ang pagkailang sa tabi ni Mr. Villega.

Halimaw ako kung kumain sa bahay. pero ngayon, para akong binabantayan sa sobrang bagal. ultimo sa paghimay ng karne na kadalasang iniisang subo ko lang ay binabagalan ko na ngayon.

Palagay ko kasi ay may nakatingin sa 'kin kaya nahihiya akong ilabas ang other self. nang tignan ko naman kung saan nanggagaling ang tensyon na tingin, wala naman ako nakikita.

Everyone is laughing around, masaya silang nagkukwentuhan na hindi mo iisiping magagambala sila ng isang tao lang.

Except for Mr. Villega. paminsan minsan ay ngumingiti ito sa lahat pero mabilis rin naman 'yong napapawi kapag susubo na siya.

Something's wrong with him. malakas ang loob ko na sa kanya galing 'yong malalagkit na tingin ba nararamdaman ko. pero hindi niya naman ako pinapansin kaya imposibleng siya.

O hindi ko lang nahuhuli?

Hayaan ko na. baka guni guni lang.

I continued eating. walang rin naman akong mapapala kung patuloy kong iisipin ang bagay na 'yan. I should stick with the plan. hayaang magselos si Mr. Villega hanggang sa bumigay. pero paano ko naman gagawin 'yon? wala naman akong natitipuhang lalaki rito sa resto.

Alangan namang kontakin ko pa 'yong mga manliligaw ko noon! hindi na, 'no! efas na! may mga pamilya na 'yon!

Weird and awkward. kung nasa bahay lang ako, kanina ko pa ubos 'tong kinakain ko. pero kakaiba ngayon. hindi ko pa nakakahalati ang baon pero pakiramdam ko ay busog na 'ko. anong nangyayari? ang tagal naman atang maubos! parang hindi nababawasan! kumuha na sila Aila rito ha!

Muli kong tinignan si Mr. Villega. sinigurado kong hindi niya ako mahahalata. I even gasped when I did that! mabuti nalang ay hindi niya napansin dahil hindi naman 'yon gaanong malakas. ang sakit ng likod ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Billionaire Hates MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon