Chapter 15: Back In His Arms
Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.Mabilis kong pinunasan ang basang pisngi dahil sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Tipid akong ngumiti bago tumugon. "Wala ho. Ayos lang po ako... Father—"
"Father Gio," aniya. "Nagagalak akong makilala ka..." mataman siyang nakatitig sa 'kin, tila naghihintay sa tugon ko.
"Serissa ho."
Ngumiti siya sa akin bago tumango, umupo siya sa malapit na upuan habang nanatili naman akong nakatayo.
"Alam mo ang ibig sabihin ng katagang No Man's in an Island?" tanong ni Father Gio, nakapirmi ang tingin niya sa unahan habang nakasikop ang mga kamay.
Tumango ako sa tanong niya. "Romans three verse ten to twelve," mahinang sambit ko.
Muli siyang ngumiti at tuluyan na nag-angat ng tingin sa 'kin. "We rely on each other for support. Asking for help doesn't mean you're weak and a burden to anyone."
Lumalim ang paghinga ko at nagbaba ng tingin. "Ayokong may masaktan dahil sa akin—"
"Serissa!" Napahinto ako nang marinig ang boses ni Ezekiel sa bukana ng simbahan. Agad akong lumingon sa kaniya. "Narito ka lang pala—" kumunot ang kaniyang noo at tumingin kay, "Father Gio?"
Tumayo si Father Gio at bumaling kay Ezekiel. Nakabuka ang kaniyang mga braso. "Ezekiel."
"Father Gio!" Malalaki ang hakbang ni Ezekiel at mahigpit na yumakap. "Akala ko hindi ka pa nakabalik dito."
Umatras ako at kinuha ang panyo na nasa bulsa ko. Bahagya akong yumuko at patagong pinunasan ang mga mata at pisngi. Mahirap na baka mapansin ni Ezekiel.
Ilang sandali pa ay kumawala sila sa isa't isa.
"Nabalitaan ko na umalis ka na sa kumbento. Maaari ba akong magtanong kung ano ang rason, Ezekiel?" tanong ni Father Gio.
Sumulyap siya sa akin at tumingin sa padre. "Hindi ko na ho namalayan na iba na pala ang daan na tinatahak ko," makahulugan na tugon ni Ezekiel. Napatikom ako ng bibig sa sagot niya.
Hinawakan siya ni Father Gio sa balikat. "Alam mo na Siya ang una't huli kaya kahit anong daan pa iyan. Pilitin mong makabalik kung saan ka nararapat."
Binalot kami ng katahimikan, ngunit hindi ito mabigat sa pakiramdam. Sa katunayan ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Kahit hindi ko hiniling ang payo ng kahit na sino ay Siya na ang gumagawa ng paraan para marinig ko ito.
"Natutuwa akong makita ka ulit, Father Gio. Gusto ko pa sanang makausap ka nang matagal pero," aniya at sumulyap si Ezekiel sa akin bago magpatuloy. "Babalik pa ho kami sa Santa Hellena."
"Sige. Mag-ingat kayo." Tinapik-tapik niya ang balikat ni Ezekiel at bumaling sa akin. "Mag-iingat ka, Serissa," aniya. "May we meet again."
Tipid akong ngumiti sa kaniya. Nagpaalam si Father Gio sa amin. Sumenyas naman si Ezekiel na lalabas na kami sa simbahan. Wala sa huwisyong lumingon ako kay Father Gio habang nakasunod kay Ezekiel. Tumango siya sa akin na tila dinadamayan niya ako.
Agad kaming nagtungo sa motor ni Ezekiel na nakaparada sa labas. Ilang beses na akong nakasakay, kaya kahit papaano ay nagamay ko na kung paano e-lock ang helmet nang maayos. Minsan kasi ay hindi ko matantya kung saan ipapasok.
"May gusto ka pa bang daanan, Serissa?"
Napukaw ang atensyon ko nang marinig si Ezekiel. Umiling ako sa kaniya. "Wala na, deritso na tayo sa Santa Hellena. Baka naghihintay na si Sister Julie roon."
BINABASA MO ANG
Dark Grace (R-18 | COMPLETED)
ParanormalSerissa is an aspirant nun in the convent of Santa Hellena. Come what may, she is definitely confident that her faith is stronger than any mountains... Not until she met an alluring dark soul coming from the bottomless pit. Can she save herself by f...