Epilogue

757 83 27
                                    

Herro's Note:

This story was supposed to be tragic, but the reality is already painful, so I changed it at the last minute. It was about twin flames. It can be karmic and toxic, but no matter where they are and what they are, twin flames are meant to meet amidst the chaos; they can grow together or fall apart.

Here's the epilogue of Dark Grace. Thank you for reading their journey. Let's embrace Abaddon's point of view. Enjoy!

--

Fallen angels can't be redeemed. They chose their path.
Now... choose yours, mortal.

See you when I see you.

Vale mea,
Herroivaz

⊶⊷⊶⊷

EPILOGUE

Napahinga ng malalim si Abaddon habang nakatanaw sa liwanag mula sa pagitan ng bundok. Hindi pa rin humihinto ang bulong-bulongan sa paligid. Patuloy pa rin na naghihikayat si Lucifer na sumama sa kaniya ang mga anghel.

"Hindi niyo ba nais na maghari kasama ko?" napahinga ng malalim sa Abaddon sa tanong ni Lucifer. "Nais niyo maging alipin sa lugar na ito?" suminghal ito bago magpatuloy. "Nakakaawa."

Tuluyan nang lumingon si Abaddon kay Lucifer, ang natatanging nilalang na perpektong ginawa ng kanilang Ama. Ngunit hindi niya mawari kung bakit gano'n na lamang nito kinasusuklaman ang Anak ng Kataas-taasan.

Nagbaba ng tingin ang mga anghel sa kaniya habang nakakunot ang noo ni Lucifer at pinasadahan sila ng tingin. Napabuga ng hangin si Abaddon at tumalikod na lang sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang pinupunto nito. Napagdesisyunan na lang niya na bumalik sa lugar na pinagkaloob sa kaniya.

Abaddon, the Angel of Destruction. Ang tanging tahas niya ay sirain ang mga bagay na hindi na pinaglilingkuran ang kanilang Ama. Sa bawat pinsala ay may katumbas na buhay na mawawala, tulad ng nangyari sa lugar ng Sodom at Gammorah.

Lumipas ang ilang araw, gano'n pa rin ang kaganapan sa bahaging iyon ng napakagandang paraiso. Walang lugar ang kadiliman sa langit, ngunit unti-unti itong nabubuo sa puso't isipan ng ilang mga anghel.

Sa tuwing bumabalik si Abaddon sa kaharian ay ang mga salita ni Lucifer ang bumubungad sa kaniya.

"Ah, naiisip mo ba ang pwedeng mangyari, Abaddon?" narinig niya ang boses ni Lucifer sa likuran. "Matapos ang Sodom at Gammorah, ang bagong henerasyon na naman. Kaya mo 'yon?" nanatiling tahimik si Abaddon pero sinasakalay na ng inis ang kaniyang dibdib. "Wala ka pa lang pinagkaiba kay Satanas." Hindi na niya mapigilan ang pagkuyom ng kamao. "Taga-linis ka lang ng kalat. Sino ba ang may gusto niyan? Hindi ba ay si Ama-"

Hindi natapos ang sasabihin ni Lucifer nang biglang yumanig ang lupa na kinatatayuan nila.

"Ano ang pinupunto mo?" nagtagis ang bagang ni Abaddon habang matalim na nakatitig kay Lucifer.

"Sumama ka sa 'kin. Sumama ka sa digmaan at mamuno sa paraisong ito." Inilahad nito ang palad sa kaniya. "Hindi mo kailangan mamalagi sa lugar na kung saan nag-aagaw ang dilim at liwanag. Kailangan mong mamili sa isa," malumanay na saad nito. "Alam kong hindi mo gusto ang pinapagawa sa iyo ni Ama. Sumama ka sa 'kin," ngumiti ito sa kaniya. "Sabay tayong maghari."

"Alam mo kung bakit sinira ni Ama ang mga lugar na 'yon. Kahit ang Admah and Zeboiim." Nangunot ang noo ni Abaddon. "Naghahari na ako sa mundong binigay ni Ama sa 'kin."

Namimilog ang mga mata ni Lucifer, marahang ginugulo ng hangin ang kulay olandes nitong buhok. "Bakit hindi mo subukan ang ginawa ng mga tao na naroon?" mahinang tanong nito. "Natitiyak kong masisiyahan ka."

Dark Grace (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon