Chapter 6: Jealousy, Jealousy

684 85 0
                                    

Chapter 6: Jealousy, Jealousy



Kasalukuyan akong nakasandal sa pinto habang nakatingin sa kaniya.

"Konting tulong naman," pagpaparinig ni Ezekiel. "Kahit pa-abot lang ng pako," dagdag pa niya.

Huminga ako ng malalim bago nagtungo sa kaniyang pwesto. Kinuha ko ang pako at inabot sa kaniya. Tumingin naman siya sa 'kin at kinuha ito.

"Salamat po," ginaya niya ang tono ni Jasmine. "Dito ka ho muna kasi kailangan ko pa ng pako... ho."

Hindi ko mapigilan ang sarili at napairap na lang. Malalaki ang hakbang ko na nagtungo sa pinto sabay narinig siyang tumawa.

Kahit papano ay naging normal ang pakikitungo ni Ezekiel sa 'kin. Gumaan ang pakiramdam ko, pero alam kong kailangan namin pag-usapan ang nangyari gustuhin man namin o hindi.

It will resurface every time we try to deny something; that's why we need clarity. It's hard to be confused... It might be painful to know the truth, but that's just how it is.

I don't want to be comfortable with the lies and deception.

Just like what I've been feeling right now about that lost soul—No... a demon. He's a demon and doesn't have a soul. He's not lost either.

Kailangan ko malaman ang pangalan niya sa lalong madaling panahon. Ayokong makulong sa kadiliman pero... Hindi ko maintindihan, naninikip ang dibdib ko sa tuwing iisipin na hindi ko na maramdaman ang init niya habang buhay.

"Ate Serissa!" Nagising ang diwa ko nang marinig ang boses ni Jasmine. Agad akong sumilip sa hallway at kumabog ang dibdib ko nang makitang hawak niya ang isang rosas. "May sobra po na isang rosas," aniya.

Tumakbo siya papunta sa 'kin. "Huwag!" Agad naman siyang napahinto. Mabilis ang paghinga ko at umiling sa kaniya. "I-ilagay mo sa... roon!" Tinuro ko ang vase na nasa bintana. "Isiksik mo lang, pwede pa 'yan."

Nagtataka man ay ginawa niya ang sinabi ko bago nagpaalam na bumaba, tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan at napahinga ng malalim.

"Takot ka na sa rosas, Serissa?" nararamdaman ko ang hininga niya sa buhok ko. "Kailan pa?"

Napalunok ako at nanatili sa pwesto habang nakatingin sa labas ng bintana. Inaayos na nila ang kampana ng chapel.

"Palagi kasi akong natutusok..." wala sa huwisyong kinuyom ko ang bestida.

"Anong tusok ba?" mariin niyang tanong dahilan na kumunot ang noo ko. "Sinisiguro ko naman na walang tinik ang mga rosas bago ipahawak sa iba."

"Baka nakaligtaan mo lang ang iba at 'yung may mga tusok ang nakukuha ko—" bigla niyang inamoy ang buhok ko. Agad akong lumayo sa kaniya at bahagya siyang tinulak. "Ano ba, Ezekiel!"

Malamig ang mga tingin niya sa 'kin. "Nakakapaso ba kapag lumapit ako sa'yo, ha, Serissa? Hindi ka naman ganiyan dati—"

"Ako pa? Ako ba 'yung inuungol ang pangalan ng kaibigan?" nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa kaniya.

Umigting ang kaniyang panga. "Sa pagkakatanda ko, Sky. Hindi ako ang nagmarka ng halik sa isang kaibigan."

Halos napigil ko ang paghinga habang nagsukatan kami ng tingin. "Wala kang alam, Ezekiel."

"Kaya nga ipaalam mo sa 'kin," mahinahon niyang sabi at humakbang palapit sa akin.

Kusang umatras ang mga binti ko bago umiling, tumalikod ako sa kaniya at nagsimulang humakbang.

Alam kong hindi siya titigil na makuha ang kasagutan at gano'n din ako. Hindi ko pa alam ang pangalan ng nilalang na iyon at po-protektahan ko siya hanggang sa makakaya ko.

Dark Grace (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon