Nagising ako sa mga boses sa aking paligid. Hindi ko magawang bumangon o buksan man lang ang aking mata. Inaantok pa ako at pakiramdam ko nakalutang ako at hinehele.
'Gisingin mo hez.'
Narinig ko ang tinig ni Crystal.
'Bakit ako? Ikaw na lang.'
'Ikaw na lang nga kasi, baka ma sobrahan 'yong katawan sa pag-ilaw. Mabulag pa tayo.'
'Ikaw na.'
Nangunot ang aking noo. Ang iingay naman nila!
Tuluyan na nga akong napamulat ng inalog-alog ako ng taong istorbo sa aking mahimbing na pagkakatulog.
Bumungad ang mukha ni Crystal sakin at may suot itong sunglasses. Tiningnan ko ang iba at lahat sila ay may mga suot na sunglasses. Suot na nila ang kanilang mga uniform.
"Gel, umiilaw ka. I mean umiilaw ang katawan mo at ang simbolo sa dibdib mo."
Napatingin naman ako sa aking katawan na umiilaw at nakalutang sa ere, kaya pala parang hinehele ako. Sinilip ko ang aking simbolo sa kanang dibdib. Umiilaw nga ito.
Ibig-sabihin. May natitipuhan ang itinakda para sa kaniya. Nalungkot ako ng kaunti. As in slight lang talaga.
May natitipuhan na pala si Nathan? Edi good for him. And bad for me-
What the heck! Ano namang pake ko. Hindi pa naman niya alam na ako ang itinakda para sa kaniya.
"Alam mo na ba kong sino ang itinakda para sa'yo? Bakit umiilaw ang simbolo mo?" Tanong ni Jewils.
Umiilaw lang kasi ang simbolo kapag alam mo kong sino ang nag mamay-ari ng simbolong katulad ng sa iyo, umiilaw din ito kapag may natitpuhan ang itinakdang makapiling mo sa pang habang buhay. Kapag sumakit ang simbolo mo at nang iyong kapareha ay may panganib na malapit lang sa kinaroroonan niyong dalawa.
Tumango ako at sinabing sa susunod ko na sasabihin sa kanila kong sino. Hindi na ako nakalutang at hindi na din umiilaw ang katawan at simbolo ko.
Hihintayin na lang daw nila ako sa living room. I do my morning routines and wear my uniform plus nerd outfit and the brown cloak at lumabas na ng kwarto.
Sinabi ko sa kanila na sa cafeteria na lang ako kakain. Okay naman si Hezra doon dahil hindi daw siya nakapag saing. Ako lang kasi sa aming pito ang kumakain ng kanin sa breakfast.
Nang malapit na sa cafeteria ay sinabihan ko sila na mauna na sa room at kakain muna ako sa cafeteria.
Naglakad na ako papuntang cafeteria at nakitang may mga tao din naman sa loob na kumakain. Siguro hindi din sila nag breakfast. Napatingin ako sa orasan sa ibabaw ng mga pagkaing nakahain sa harap. 6:30 palang pala, napaaga ang pasok namin ngayon ah.
Mahaba pa ang oras ko bago mag simula ang klase. 7:00 pa naman ang pasok kaya may 30 minutes pa ako. Pumunta ako sa harap at kumuha ng kanin, bacon at orange juice.
Naghanap ako ng mesang pwede kong upuan para makakain na. Nang makahanap ay pumunta ako dito, umupo at nagsimula nang kumain.
Nang matapos akong kumain ay lumabas na ako ng cafeteria at naguguluhan ng maabutang nagsisigawan ang mga tao. Tiningnan ko kong ano ang dahilan ng kanilang sigaw. Hindi pala ano kundi sino. Nakitang kong sina Nathan pala ito.
Popular soon-to-be-kings. Tss.
Binalewala ko nalang ito at sumakay na sa elevator. Akmang sasara na sana ang pinto nito ng may kamay na tumigil dahilan para bumukas ito ulit. Kamay pala ito ni Nathan. Pumasok silang pito sa loob at pinindot ang 5th floor.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Angel
Fantasy|FANGIC ACADEMY SERIES #1| Isang puting anghel na namulat sa pamamalakad ng mga tao, hindi niya alam kong bakit nasa mortal world sila basta ang alam niya ay hindi niya kauri ang mga taong ito at hindi siya dito na babagay. Meron siyang mga kaibigan...