Chapter 14 | Her Feelings

38 8 0
                                    

Saturday came at hindi ako mapakali habang naghahanap ng magandang susuotin para mamaya. May limang dress na akong kinuha at nilagay sa kama ko pero hindi ako makapagdecide kong anong dress ang babagay sa akin.

I'm wearing a bathrobe now and a towel on my head. I just finished taking a shower and almost turned my walk-in-closet upside down but I still don't know what to wear.

Matawag nga si Jacen.

"Asin! Punta ka nga muna dito saglit." Tawag ko sa kanya.

Pumasok itong nakabusangot, "pwede mo naman akong tawagin ng maayos eh, basta 'wag mo lang idamay 'yong asin."

Umiling-iling ako habang may multong ngiti sa labi.

Her nickname for us is 'asin' because when you take the letter J from her name it becomes acen. That's why her nickname became 'asin'. Crystal was the one who thought of it, to use it to tease Jacen while they were teasing each other. Until we got used to it, that's what we call her.

Ginamitan ko ito ng pang malupitang beautiful eyes ko habang nakangiti.

"Ay nako, Angel Ashley Zachara. Alam ko na 'yang mga pa ganyan-ganyan mo. Oh, anong kailangan mo sa'kin?"

Humagikhik ako, "asin, anong bagay sa'kin dito?" Tinuro ko ang mga damit kong nakalapag sa kama.

Lumapit si asin sa kama ko at isa-isang kinuha ang damit at tinapat sa katawan ko.

"This floral pink suits you because you're white and tall, and it's fitted, so your curves are molded to it," sabi niya habang tinitingan ang katawan ko.

"Asin, 'wag ka ngang tumingin nang ganyan sa katawan ko, hindi tayo talo no!" Tinakpan ko ng aking dalawang kamay ang dibdib.

"Gel, ano ba! Hindi rin tayo talo 'no! Sa ganda kong 'to papatol ako sa babae? Hmp! Sayang ang lahi 'kong walang makakatikim sa'kin. Masarap pa naman ako." Sabay hawing ng buhok sa tainga nito.

"Asin! Kadiri ka! Gosh, my innocent ears," tinakpan ko ang aking tainga.

Tumawa ito. Napairap na lamang ako sa inasta niya. Naaasar na umupo ako sa kama ko at hinintay siyang matapos kakatawa.

Tumigil ito sa pagkakatawa ngunit may naiwang mapaglarong ngisi sa mga labi, "lalabas na ako aking inosenteng anghel."

Inismiran ko na lamang ito. Nakailang hakbang palang ito nang humarap ito ulit sa akin na nakakunot ang noo.

"Wait lang. Why are you asking me to help you with your clothes? When you call me for things like this, it's when there are important occasions and if you have something important to attend to. San punta mo?" Nakahalukipkip na ito habang nakatingin sa'kin.

Naiilang ako sa mga titig nito. Para akong pusa na nahuli ng amo na magtatakas sana ng ulam.

"W-wala," what a great liar! Nautal pa.

Nakita kong tumaas ang kaliwang kilay nito, "bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? Diba saturday ngayon? As far as I can remember, sabi mo samin ay weekends ang pagkikita niyo ng partner mo diba, getting to know each other. At si Nathan ang partner mo. Tatanongin kita Angel, sumagot ka ng totoo." Humakbang ito patungo sa'kin, "si Nathan ba ang itinakda sa'yo?" Seryoso niyang tanong.

Pinaglaroan ko ang daliri. Hindi ko alam kong bakit ba ako kinakabahan, eh si Jacen lang naman 'yan at isa siya sa mga kaibigan ko. Baka kasi magalit si Crystal sa lalaki.

Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Crystal no'ng araw na umilaw ang aking simbolo na nagpapahiwatig na may natitipuhan na ang itinakda para sa akin. Kahit hindi ko tanongin si Crystal kong naiinis ba ito o hindi ay ramdam na ramdan kong naiinis ito sa nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forbidden AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon